"Kinakabahan ako, feeling ko di ako welcome dahil hindi niyo naman ako ka ano ano" sabi ko kay Ken noong nakababa na kami ng sasakyan.

"Don't worry. Sinabihan ko sila na may isasama akong date" pakindat niyang sabi.

Andito kami ngayon sa isang mansion na pag mamay ari daw ng tita ni Ken. Halos kasing laki rin nito ang bahay namin. Pag pasok namin sa pintuan ay matatanaw mo na agad ang pinasadya na long table sa sala sa gabing iyon. Nasa gilid naman ng pader ang mga pagkain na mukhang self service.

Nagsilingunan ang mga nakaupo sa table noong pumasok kami ni Ken. Hindi masyadong malaki ang pamilya nila. Nasa kulang kulang na twenty siguro ang mga naroon, siguro ay yung mga first degree lang ang nandon.

Batid kong nakangiti sila sa amin na sinusundan ng tingin. Mukhang kami nalang ang ina antay dahil dalawang upuan na lang ang natitira sa mesa na kinaroroonan nila. Akmang tatayo sana ang kamag anak ni Ken para batiin kami pero sinenyasan na wag na, pinag pasalamat ko naman iyon dahil nahihiya talaga ako.

Humila ng upuan si Ken at saka pina upo ako, at umupo rin sa kaliwa ko.

"Ehem" sabi ng nasa kanan ko at nang lingunin ko ito ay si Kerby pala. Bahagya akong nagulat kasi katabi ko pala siya at hindi napansin kanina dahil na rin siguro sa kaba ko.

"Hindi ko ina asahan na ikaw yung sinasabi ng kamag anak ko na dadalhin ni Ken na date niya daw?" Pabulong niyang sabi sa akin. Tumango lang ako.

"Goodevening everyone, please meet my gorgeous date tonight...Tien Snow Salvador" pag papakilala ni Ken sa akin. Nginitian ko naman sila isa isa at medyo yumuyuko na bumabati sakanila. Lahat naman ng expression nila ay nakangiti kaya gumaan kahit papano ang pakiramdam ko. Ako lang pinakilala ni Ken, hindi niya pinakilala ang family niya sa akin. Sabagay... hirap naman kung isa isahin niya pa, di ko rin lang naman matatandaan agad. Haha.

"Parang magkakilala rin yata sila ni Kerby hijo?" Tanong ng isang matanda na siguro ay lolo nila.

"Ahm yes, actually she's my bestfriend" singit naman ni Kerby. Bestfriend??? Kailan pa?

"Okay." Sabi ng matanda na nakangisi kay Kerby. Normal ba sakanilang pamilya ang ngumisi? Kahit walang dahilan?

"Just wait here, I'll get some food" sabi ni Ken at saka tumango ako.

Pagka tayo ni Ken ay sunod sunod na akong tinanong ng mga kamag anak niya. Kung anong trabaho ko, kung ilang taon na ako, kung saan kami nag kakilala, kung gaano na kami nag kakilala, kung pa ano ko rin naging bestfriend kuno si Kerby, etc.

"Enough guys, pinapagod niyo na yung tao. Hinay hinay lang" pag susungit ni Kerby sa family niya. Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang kinurot ang leg niya sa ibaba ng mesa, dahil pati ba naman sa pamilya niya ay masungit parin siya.

Napahawak siya sa parte ng kinurot ko at nahuli ng palad niya ang likod ng palad ng kamay ko dahil hindi ko pa na aalis doon ang kamay ko.
Tinignan niya ako bahagya at saka pinisil ang kamay ko, sabay natawa siya ng palihim. Bagtit talaga to kahit kailan! Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit ayaw niya itong pakawalan. Mahigpit niya lang itong hinawakan at bumulong sa akin na "mahirap na baka kukurot ka na naman bigla". Ngumisi lang siya pagkatapos niyang sabihin yun at saka nakipag kwentuhan sa katabi niya habang hawak parin ang kamay ko.

Dumating naman si Ken na dala ang pagkain namin. Mukhang galing pa siya sa kabilang kanto sa tagal niyang bumalik. Tsk.

"What's up?" Nakangiti niyang tanong sakin pag katapos ilapag yung plato na may pagkain.

"Hmm nag tanong tanong naman sila sa akin kanina. Sa tagal mo ngang bumalik mukhang buong pag katao ko alam na nila" natatawang biro kong pabulong sakanya pero medyo nahihirapan ako dahil hawak parin ni Kerby kamay ko.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now