45

102 5 3
                                    

SINABI ko kay Mamita ang lahat ng mga sinabi ni Paul. Sa sobrang saya niya ay agad niya akong pinatahian ng damit para sa graduation ball. It was a black, satin dress, with sweetheart neckline. Nang isukat ko iyon ay halos maluha si Mamita sa sobrang saya.

"Bagay na bagay sa'yo, anak," aniyang pinagsalop pa ang dalawa niyang kamay. "Mukha kang prinsesa."

Hindi ako nakapagsalita. Niyakap ko lamang basta si Mamita. I saw Gin in the corner looking at us quietly.

"Ma," mahinang saad ko bago ako kumalas mula sa pagkakayakap kay Mamita. "Sandali lang po."

Mom went away. Nang makaalis siya ay nilapitan ko si Gin. Naupo ako sa kanyang tabi.

"Hey," pukaw ko sa kanya. "OK ka lang?"

"I'm OK," tugon niya na halatang nagsisinungaling. He stared directly into my eyes. "You look beautiful in that dress."

"Really?" Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. "Salamat, Gin."

Gin was quiet again. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong bumabagabag sa kanya.

"You must be so happy," saad niya makalipas ang ilang sandaling pananahimik. "Hindi mo na kailangang i-wish na ma-inlove sa'yo si Paul."

Napalunok ako. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Paul is already in love with you," he said with a painful look in his eyes. "It's fairly obvious."

"Hindi totoo 'yan, Gin," napayuko ako. "Paul is not in love with me."

"Then how else can you explain this? Gusto ka niyang pumunta sa dance kasi gusto ka niyang maisayaw. Hindi niya gagawin iyon kung wala siyang anumang nararamdaman para sa'yo."

Hindi ko nagawang magsalita. Nag-angat ako ng paningin at pinagmasdan si Gin; there was so much sadness in his eyes that I felt sad too. Hindi ko maintindihan; halos buong buhay ko itong pinangarap ngunit ngayong nangyayari na ay hindi ko naman maiwasang hindi maguluhan.

"Can you accompany me?" lakas-loob na tanong ko kay Gin. "I don't want to go there alone."

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Gin. "Bakit?"

"Because!" Napabuntong-hininga ako sa labis na frustration. "Hindi ba puwedeng huwag mo na lang itanong kung bakit, Gin? Hindi ba puwedeng walang dahilan? Hindi ba puwedeng gusto lang talaga kitang makasama sa graduation ball?"

Natigilan si Gin. Natigilan rin ako. Binalot kami ng katahimikan hanggang sa magbuga ako ng hangin.

"Please?" pagsusumamo ko. "Will you be my official partner to this graduation ball?"

Nagbuntong-hininga si Gin at dahan-dahang ngumiti sa akin.

NANG sumapit ang gabi ng graduation ball ay nagtungo kami sa pag-aaring salon ni Madame Petunia. She asked her hairdresser to curl my hair and surround my head with little flowers. Nilagyan niya rin ako ng light make-up at false eye-lashes so my lashes would appear thick and long. Millie was watching my transformation the whole time.

"Ano?" tanong ko sa kanya nang maisuot ko ang aking dress at matapos ang aking make-up. "Do I look OK?"

"OK?" bahagyang natawa si Millie. "You look stunning, ate!"

Napangiti ako kay Millie. Lumapit ako sa kanya. I planted a kiss on her cheeks and embraced her.

"Thanks, Millie," bulong ko sa kanya. "You're such a sweet doll."

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now