49

37 4 1
                                    

MAGKAHAWAK-KAMAY kaming umuwi ni Gin. Masaya ako sa hiniling ko para kay Maggie at gayundin si Gin. Nasa tapat na kami ng bahay nang bigla siyang huminto sa paglakad. Hinarap niya ako at direktang tinitigan sa aking mga mata.

"You only have one remaining wish," saad niya. "Hindi ka ba nagsisisi na ipinagkaloob mo kay Maggie ang third wish mo?"

"Not even a little," nakangiti kong tugon. "Masaya ako sa naging desisyon ko, kasing-saya rin noong ipinagkaloob ko kay Millie ang unang wish ko para makalakad na siya."

Gin smiled as if she saw something so beautiful in me. "Napakabuti mong tao, Ella."

Hindi ko agad nagawang magsalita. I felt that. Naramdaman ko kung gaano ka-proud sa akin si Gin kahit na hindi niya direktang sabihin sa akin iyon.

"Um," napalunok ako nang may kung anong maalala. "Last time sa graduation ball, may gusto kang sabihin sa akin, naalala mo?"

Tumango si Gin.

"Ano, um," biglang namula ang magkabilang pisngi ko. "K-kung OK lang, g-gusto ko sanang malaman kung ano iyon."

Matagal akong tinitigan lang ni Gin. Different sorts of emotion could be seen roaming around his eyes. Suddenly, I felt overwhelmed by them.

"Well," saad niya na biglang nagningning ang buhok. "Ano kasi eh, um, gusto ko lang sanang..."

Bago pa matapos ni Gin ang sinasabi niya ay agad nang umalingawngaw ang tinig ni Mamita. She was standing at the doorway looking at us. Kapwa kami natigilan ni Gin nang matanaw siya.

"Ano ba kayong dalawa? Bakit nakatayo lang kayo diyan? Bakit ayaw ninyong pumasok?" sudsod ni Mamita. "Dalian ninyo at may bisita ka Ella!"

Natauhan ako sa narinig na sinabi ni Mamita. Bisita? Nagkatinginan kami ni Gin. Nang pumasok kami sa loob ng bahay ay naabutan ko si Paul na nakaupo sa may sala. He smiled and waved at me.

"Hi," bati niya. "Puwede ba kitang makausap, Ella?"

Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako kay Gin ngunit hindi niya ako sinulyapan. Sa halip ay dire-diretso niya lamang akong nilampasan.

NIYAYA ko si Paul sa may swing sa likod-bahay. Tahimik kaming naupo doon habang malayang sumasayaw ang mga dahon ng punong acacia sa hangin. Paul kept on looking at me, but did not talk. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Hindi katagalan at narinig ko siyang nagbuntong-hininga.

"Una sa lahat, gusto ko sanang mag-sorry sa'yo, Ella," pagsisimula niya. "Ang totoo niyan, hindi ko alam kung may mukhang ihaharap pa ako sa'yo pagkatapos ng mga nangyari sa graduation ball. Ni hindi man lang kita nagawang ipagtanggol. I'm really sorry."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin, Paul." Tugon ko. "Hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari."

"Well, at least let me say sorry for what Maggie did," piksi niya. "Kung hindi naman kasi dahil sa akin ay hindi niya gagawin ang mga bagay na ginawa niya sa'yo."

"Napatawad ko na si Maggie, Paul. Wala ka nang dapat na ipagalala. Let's just forget about what happened and continue with our lives."

Sa isang iglap ay muling natahimik si Paul. Nakatingin lang siya sa akin. The trouble in his eyes became visible more than ever.

"Paul?" pukaw ko. "May problema ba?"

"I-I don't know how to say this, Ella, but," napalunok siya. "I-I think I like you. I know this sounds silly, but I really do. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. Basta, isang araw, nagising na lang ako na ikaw na pala ang gusto ko. I really want this friendship to grow, kung hahayaan mo ako."

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now