41

104 5 1
                                    

Nang sumunod na araw ay hindi ko inasahan na susunduin uli ako ni Gin sa may university. He was wearing a different set of clothes now, and a bonnet. Hindi ko alam kung saan nakakuha ng bonnet ang mokong, but he looks so effing cute like a mysterious musician or something.

Pinagtitinginan si Gin ng mga estudiyante at nang kumaway siya sa akin ay nabaling sa akin ang tingin nila. They all look surprise when they saw me. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip nila, ngunit pinili kong hindi na lang pansinin iyon. I was too happy to give a damn about them.

Kumaway rin ako kay Gin. Habang palapit nang palapit ang distansiya ko sa kanya ay pabilis rin nang pabilis ang tibok ng puso ko. And that same moment, lihim kong nahiling na sana nga talaga ay totoong tao na lang si Gin at hindi isang genie.

"Hey," I greeted, nervously. "A-ano na namang ginagawa mo rito?"

"Di ba may usapan tayong didiretso tayo sa bahay ni Madame Petunia after ng classes mo?" tugon niya. "And besides, gusto ko lang siguraduhin na wala na uling mangyayaring masama sa'yo."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. My cheeks flushed red. Hindi ko alam kung bakit ba lahat yata ng sabihin ngayon ng mokong na 'to ay naghahatid ng kilig sa akin.

"W-wala nang mangyayaring masama sa akin. Sa'yo nga ako nag-alala kaya ayaw ko na sana munang sinasamahan or sinusundo mo ako rito. Remember, normal ka sa of the moment?" saad ko. "Paano ka lalaban kung halimbawang may mang-trip sa'yo?

"Kung minsan, mas may kakayahan pa ang isang normal na tao kaysa sa isang nilalang na may mahika," makahulugang saad niya. "Halika na, umalis na tayo."

Pakiramdam ko ay biglang nawala sa lugar ang puso ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. I frozed. Hindi pa ako gagalaw kung hindi niya ako sinimulang hilahin.

"Ba't ba ang lamig ng kamay mo?" bati niya. "OK ka lang ba?"

"H-ha?" napalunok ako. Gusto ko siyang batukan dahil siya ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon, pero sa huli ay hindi ko nagawa. I came up with a lie. "A-ano kasi eh, um, natatae kasi ako."

Biglang napahinto sa mabilis na paghakbang si Gin. Napahinto rin ako. Leche, sa dinami-rami ng puwede kong idahilan, bakit 'yun pa?

"Bakit hindi mo sinabi agad?" walang bakas ng pandidiring sabi niya. "Gusto mong bumalik para magbanyo?"

"N-nako, hindi na," iwinagwag ko ang dalawa kong kamay. "OK lang..."

Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sinasabi ko. Biglang may humintong pamilyar na kotse sa isang gilid namin. Nang bumaba ang bintana niyon ay sumungaw ang ulo ni Paul.

"Hey, Ella," nakangiting bati niya. Nabura ang ngiti niya nang makita si Gin at nang bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming mga kamay. Hindi ko alam kung ilusyunada lang ako, pero parang nakita kong may kakaibang emosyon na dumaan sa mga mata ni Paul. "I didn't notice na may kasama ka pala."

"H-hello, Paul," napangiti ako nang alanganin sa kanya bago ko inginuso si Gin. "S-si Gin nga pala."

Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala si Gin kay Paul. They both nod at each other. Matagal silang nagtitigan na para bang nagsusukatan ng kakayahan.

"Um, sige na, Paul, ha." Paalam ko nang makaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila. "Mauuna na kami nitong si Gin."

"Wait," habol niya. "Ihatid ko na kayo."

"N-nako, salamat, pero hindi kasi puwede ngayon eh." I smiled apologetically at Paul. "Next time na lang, OK?"

Paul mouthed "OK" and close the window of his car. Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin ang kanyang sasakyan ay saka ko lamang nagawang huminga nang maluwag.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon