2

435 11 1
                                    

"I sense a very disturbing aura in you."

Hindi ako sumagot kay Mamita. Nanatili akong nakapangalumbaba sa mesa habang nakalabi. Iiling-iling na humila siya ng upuan at naupo sa harap ko.

"Hindi ba effective 'yung charm crystal na binigay ko sa'yo?"

My mamita is not an ordinary momma. Isa siyang manghuhula; naniniwala siya sa astrology, animal signs, at kapangyarihan ng baraha, potion, at crystals. Noong seven years old ako, habang nagsasayaw ng Macarena, nadulas ako at muntik ng mahulog sa stage. Muntik lang dahil agad na hinila ni Paul ang kamay ko. I will never forget that day kasi 'yun 'yung araw na sinabi sa akin ni Mamita na si Paul raw ang 'destiny' ko.

"Ni hindi pa rin ako tinitingnan ni Paul," tugon ko matapos ang ilang minuto. "Kung gawan mo na lang kaya ako ng love potion, Mamita?"

Hindi sumagot si Mamita.

"Sige na mamita," pangungulit ko. "Twenty naman na ako. Imagine, thirteen years na akong in love kay Paul, pero wala pa ako ni isang significant moment with him liban sa noong hawakan niya ang kamay ko matapos kong madulas sa stage. Paano kami magkakatuluyan ng destiny ko?"

Sumeryoso ang mukha ni Mamita. Sinalubong niya ang mga mata ko at hinawakan ang kamay ko.

"Listen, moon pie." Moon pie ang term of endearment sa akin ni Mamita. "Naisip ko lang, baka kasi ano, um..."

I wait eagerly to mom's next words.

"Baka kasi, mali ako." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Baka, um, baka hindi talaga si Paul ang destiny mo."

Ako naman ang hindi sumagot.

"Imposible!" pagdidismiss ko. "Ikaw kaya ang pinakamagaling na manghuhula sa balat ng Pilipinas!"

Ngumiti lang si Mamita.

OPPOSITE WISHESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt