35

121 2 2
                                    

Nang magising ako kinaumagahan ay palihim kong sinulyapan si Gin mula sa garapon. Napabuntong-hininga ako nang makita kong nakatalikod pa rin siya sa akin na para bang ayaw akong makita. Hindi ko na siya inabala at bumaba na ako para mag-almusal at gumayak papasok ng university.

"Gin," tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot. "Gin, papasok na ako."

Napabuntong-hininga na lang uli ako nang wala pa rin akong matanggap na tugon mula sa kanya. Mabigat man sa loob ko ay tuluyan ko na siyang itinago sa dresser at umalis na ako. Nakarating na ako at lahat sa university ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko.

"Magandang araw sa'yo, Ella." wika ni Manong Victor na bigla na lang sumulpot mula sa tagiliran ko. Napakunot-noo siya nang mapagmasdan ang mukha. "O, anong nangyari diyan sa mukha mo?"

"Hello, Manong Victor." Bati ko sa kanya. "Nako, hindi pa ba kayo nasanay diyan sa mukha ko?"

"Sus, hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin," sabi niya na natapik ang sariling noo. "Ang ibig kong sabihin, bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo diyan."

Hindi ko agad nagawang sumagot. Naupo ako sa may bench na nadaanan namin. Sinundan ako ni Manong Victor at naupo sa tabi ko.

"Manong Victor, naranasan na po ba ninyo 'yung wala naman kayong ginagawang masama, pero may taong parang nagagalit sa inyo? Alam n'yo 'yun? Nag-alala ka lang naman para sa kanya, pero parang siya pa itong masama ang loob sa'yo."

"Bakit naman magagalit sa'yo?" balik-tanong ni Mang Victor na muling kumunot ang noo. "Tinanong mo na ba siya?"

"Sus, bakit ko naman siya tatanungin. Ako ba tinanong niya ako kung anong mararamdaman ko sa mga inaasal niya? Nakakainis lang kasi eh!"

Nakasimangot na humalukipkip ako. Pinagmasdan ako ni Manong Victor. Parang sinusubukan niyang basahin ang nakalatag na expression sa mukha ko.

"Alam mo, Ella, hindi puwedeng sasama sa'yo ang loob ng isang tao nang walang dahilan. Posibleng may nagawa ko o kaya nasabi. Hindi mo malalaman kung hindi mo tatanungin." Saad niya. "Eh teka nga pala, sino ba 'yan? Bakit ba parang apektadong-apektado ka? Parang ngayon lang kita nakitang ganyan, ha."

"P-po?" Napalunok ako. Hindi ko puwedeng banggitin kay Manong Victor ang tungkol kay Gin. "N-nako, wala po ito. Ano, um, kaklase ko lang. Kaklase ko lang po, Manong Victor."

"Sinong kaklase?" nagdududang usisa ni Manong Victor. "Baka naman si Paul 'yan, ha."

"Sus, hindi po, Manong Victor." Mabilis kong tanggi. "Bakit n'yo naman po naisip na si Paul?"

"Eh wala naman. Mukha ka kasing in love eh. Mga taong in love lang naman ang umaasal ng inaasal mo ngayon."

Natigilan ako. Hindi ko alam kung matatawa o ano sa tinuran ni Manong Victor. Ako, in love? Kanino? Kay Gin. Parang imposible naman yata 'yun. Isang genie si Gin at isa naman akong tao. Imposibleng ma-in-love ako sa kanya. At sigurado kong imposibleng ma-inlove din siya sa akin.

"S-si Manong Victor naman. Minsan ka na nga lang magpakita sa akin ay aasarin mo pa ako. Hindi po ako in love, no?"

"Kahit kay Paul?" saad ni Manong Victor na hindi naiwasang mapangiti. "Hindi ka na in love kay Paul?"

Sa ikalawang pagkakataon ay muli akong natigilan. Hindi ko alam kung anong isasagot kay Manong Victor. Nakakapagtaka, dati-rati naman sa tuwing inaasar niya ay ako kay Paul ay ang dami kong hirit. First time ko yatang matameme. Biglang tumunog ang bell na nangangahulugang umpisa ng first period classes. Naalala ko ang klase ko at bigla akong nataranta. Bigla akong tumindig mula sa bench.

"Manong Victor, kailangan ko na pong pumasok. Sa dulong building pa ang room ko eh. Usap uli tayo sa susunod, ha?"

Nakangiting tumango lang si Manong Victor. Nagmamadaling tinalikuran ko na siya. Nang medyo malayo-layo na ang nalalakad ko ay muli ko siyang nilingon. Napakamot-ulo ako nang makitang wala na si Manong Victor. Ang bilis naman niyang mawala, lihim kong naisaloob. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tuluyan nang nagtungo sa aming classroom.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now