19

144 4 1
                                    

Hindi katulad ng inakala ni Gin ay hindi umulan nang gabing iyon. Pagpanhik ko sa kuwarto ay nakita ko mula sa bintana na nawala na ang ulap at sumilip na ang buwan at ang ilang bituin. Napangiti ako at nagtungo na sa aking kama. Napatay ko na ang ilaw nang bigla kong maalala si Gin. Hindi ko siya napansin kaninang pagpanhik ko. Bigla akong naalarma. Nasaan na kaya 'yun?

"Gin?" Biglang bangon ako sa kama. Bubuksan ko sana ang lamp kaso sa pagkataranta ko ay na-out balance naman ako at dire-diretsong nahulog sa kama. "Aray ko po." 'Langya, nabalian pa yata ako.

Sumambulat bigla ang liwanag sa buong kuwarto. Nang mapatingin ako sa bintana ay nakita kong nakasilip si Gin at nakaas ang isang kamay niya. Minahika na naman yata ang ilaw ng mokong.

"Gin!" sigaw ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siya. "Nandiyan ka lang pala sa may bubong!"

"Anong nangyari sa'yo?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang nakita kong labis na pag-aalala sa kanyang mga mata. "Wait, tutulungan kita."

Tatawid na sana uli siya papasok ng kuwarto, pero pinigilan ko siya.

"Huwag ka nang pumasok! Kaya ko 'to! Teka, teka sandali lang!" Dahan-dahan kong inangat ang sarili ko mula sa sahig. Buti naman hindi ako nabalian gaya ng una kong inakala. "O, di ba?"

"Hay." Napailing-iling siya. "Mag-iingat ka nga sa susunod, puwede ba?"

Pagkasabi niyon ay bumalik na ulit siya sa bubong. Napanguso ako. Siya na yata ang pinakasupladong genie na nakilala ko. But then again, siya nga lang pala ang nag-iisang genie na nakilala ko. Babalik na lamang sana ako sa plano kong pagtulog ngunit hindi ako mapakali. Makalipas ang ilang sandali ay sinundan ko siya sa may bubong. Naabutan ko siyang nakaupo roon at nakatingin sa mga bituin.

"Hoy," sikmat ko sa kanya. "Ano bang ginagawa mo riyan?"

I rolled my eyes nang hindi siya sumagot. Naupo ako sa kanyang tabi. Suddenly, I felt at ease again.

"Huwag mo na uling gagawin 'yun, ha?"

"Ang alin?" balewalang balik-tanong niya.

"Ang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin!" Inis na saad ko. "Master mo ako kaya dapat lagi kong alam kung saan ka nagpupunta!"

"Nasa bubong lang ako ng bahay ninyo."

"Kahit na!" buwelta ko sa kanya. "Saka, teka nga, magkalinawan nga tayo. Ako ang master dito, 'di ba? So bakit ako pa yata ang nakikisama sa'yo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Like, hello! Ang sungit-sungit mo kaya lagi sa akin, ano? Kakausapin kita, hindi mo ko sasagutin. O 'di naman kaya, susungitan mo ko!"

Sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang tabihan ko siya ay inalis ni Gin ang kanyang paningin sa mga bituin at sinulyapan ako. "I'm sorry." Sinserong sabi niya sa akin.

Natigilan ako. Totoo ba? Nag-sorry talaga siya sa akin. I felt proud, pero sandali lang. Naisip ko kasing sa aming dalawa ay hindi naman dapat siya ang nanghihingi ng sorry.

"I'm sorry rin." Nagbuga ako ng hangin. "Ako naman talaga ang may kasalanan, eh. Dapat hindi ko basta-basta iniwan kay Mang Gustin 'yung bote. Hindi ko pa naman siya lubusang kakilala eh."

"Pareho tayong nagdesisyon na iwanan sa kanya ang bote. Hindi ko rin naman siya lubusang kakilala pero binigay ko sa'yo ang basbas ko. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo."

Pinagmasdan ko siya. "Galit ka ba sa akin?"

Nagbuntong-hininga siya saka sinalubong ang paningin ko.

"Ikaw, galit ka ba sa akin?" balik-tanong niya. "Ako ang may kasalanan kaya nagbago ang anyo mo."

"Pero hindi naman mangyayari 'yun kung hindi ko nabasag ang bote." Napayuko ako. "I did this to myself."

Hindi agad tumugon si Gin at sa halip ay muling ibinalik ang paningin sa ilang pirasong bituin.

"Mahahanap rin natin ang bote. Maaayos rin uli 'yun. And then I will make all your wishes come true. Pangako 'yan."

Natitigilang pinagmasdan ko si Gin. I felt the sincerity in his words and I was touched. Hindi ko napigilan ang sarili ko; I wrapped my arms around his waist and embraced him tightly.

"A-anong ginagawa mo?"

"Thank you, Gin." saad ko na hindi pinansin ang kanyang sinabi. Sa ikalawang pagkakataon ng araw na iyon ay muli akong humilig sa kanyang balikat. "I don't have a lot of friends, pero at least nandiyan ka."

Hindi siya nakapagsalita. His hair turned sparkling blue. Hindi ko iyon napansin dahil nakahilig ako sa kanyang balikat.

"Huwag kang mag-alaala, hindi na ko ulit magrereklamo," pangako ko sa kanya. "I'm going to trust you with all my heart from now on.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now