10

187 6 1
                                    

"OK, ito ang unang wish ko," excited na bulalas ko kay Gin. "Gusto kong gumanda!"

Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Gin na mistulang hindi na nagulat. Siguro buong life niya as a genie ay hindi nawawala sa wishes iyon ng past masters niya. Ang pagganda.

"Ngayon na?"

Sunod-sunod ang pagtango ko.

"Kasing-ganda ni Catriona Gray, ha? Not necessarily kamukha. Basta, tandaan mo, zero pores!"

Napailing-iling si Gin. Itinaas nito ang kanang kamay. Kinilig ako sa sobrang excitement.

"Hay, I can already see it. Maghuhugis-puso ang mata ni Paul 'pag nakita ako. 'Pag nangyari iyon, hindi ko na kailangan pang i-wish na ma-in-love sa akin si Paul. Therefore, nakatipid ako ng isang wish. Tapos, isip na lang ako ng bagong wish. Hay, ang talino ko talaga!"

"Puwede ba? Huwag kang maingay. Saka ipikit mo 'yung mga mata mo!"

Nakasimangot na pumikit ako. Ang suplado talaga ng genie na ito. Ang sarap batukan.

"You're not going to look like somebody else. You're just going to improve. You're going to be the best version of yourself in 5, 4, 3, 2, 1."

I felt a warm sensation filling up my body. Nang subukan kong buksan ang mga mata ko ay nasilaw ako sa sobrang liwanag. Pumikit uli ako at nang muling dumilat ay muli nang bumalik sa normal ang lahat.

"OMG!!!" I squealed. "Ano, Gin? Maganda na ba ako? Sumagot ka hoy!"

Ilang sandaling hindi nakapagsalitas si Gin at inakala kong dahil iyon sa sobrang ganda ko.

"Come on, Gin. Huwag ka nang mahiya. You can express kung gaano ko kaganda."

Nag-flip pa ko ng hair. Hindi ako pinansin ni Gin. Sa halip ay pinagmasdan niya ang kanyang kamay.

"Something is wrong," sabi niya. "Something must be very wrong."

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now