14

179 6 1
                                    

Ayon sa repairman ay kailangan niya ng panahon para maayos ang bote kaya naman naisip kong iwanan na lamang ito sa shop. Pumayag naman si Gin kaya bukal sa loob kong ipinagkatiwala sa matanda ang bote. I was over the moon on the way home. Hindi na ako makapaghintay na maayos ang bote at gumanda na ako nang tuluyan. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Tahimik naman na nakasunod lang sa akin si Gin.

"Bakit ang saya-saya mo?" tanong niya sa akin. "Hindi pa naman naaayos ang bote, ha?"

"Of course masaya ko! Alam kong hindi pa maayos ang bote ngayon pero pasasaan ba at maaayos rin iyon. Gaganda na rin ako mua-ha-ha!"

"Matagal mo na bang kakilala ang repairman na 'yon?" muli niyang tanong. "Paano mo nasisigurado na magagawa niya ang bote?"

"Alam mo ang nega mo, ano?" Nakapamewang na inirapan ko siya. "Maniwala na lang tayo na maaayos niya ang bote at gaganda na ko nang tuluyan, OK?"

Nagkibit-balikat lang si Gin. Muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad. Muli ko na ring itinuloy ang aking wala sa tonong pagkanta.

"Bakit ba kayong mga tao, gustong-gusto ninyong gumanda? Lagi na lang na lang kapag humihiling kayo sa akin, ang hinihiling ninyo ay gumanda kayo. Bakit hindi ninyo magawang sumaya sa anyo ninyo?"

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Gin. Pinagmasdan ko siya; ang kanyang maputlang balat ay kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw. Kung gano'n ay tama ng ako, naisip ko. Lahat nga ng mga naging past masters ni Gin ay laging pagganda ang hinihiling sa kanya.

"Alam mo, Gin, hindi ka kasi tao kaya hindi mo maiintindihan. Masaya naman ako sa anyo ko. I just want to look my best."

"Why do you want to look your best?" patuloy niyang usisa. "Para kay Paul?"

"Tumpak!" bulalas ko. "Nakana mo!"

"Gusto mong gumanda para kay Paul?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

Napakamot ako sa ulo.

"Hay nako, paano ko ba ipapaliwanag sa'yo?" Nagbuntong-hininga ako saka ko siya pinagmasdan. "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng 'love'? Sa Tagalog, pag-ibig. Isa iyon sa mga pangunahing nararamdaman ng isang tao."

Hindi kaagad sumagot si Paul. Sa halip ay inilagay niya sa ang dalawang hintuturo sa kanyang magkabilang sintido. I swear to God I saw them sparked before his eyeballs rolled like a roulette wheel. Napaatras ako at literal na napigilan ko ang aking hininga. Ang akala ko ay inaatake siya ng Epilepsy, but then again, naisip ko na imposible iyon dahil hindi nga pala siya tao. Kahit gusto ko nang tumakbo at iwanan siya sa gitna ng daan ay nilakasan ko ang loob ko. Naghintay ako hanggang sa matapos ang kung ano mang mahikang bumabalot sa kanya.

"Information scan completed." saad niya nang bumalik sa 'normal' niyang estabo. "OK, ayon sa information scan na ginawa ko, ang love o pag-ibig ay nahahati sa tatlong kategorya: Lust, Attraction, at Attachment. Ang 'lust' ay dulot ng mga kemikal na Testosterone at Estrogen. Ang Attraction naman ay dulot ng mga na kemikal na Dopamine, Norepinephrine, at Serotonin. Lastly, Attraction; ito ay dulot ng mga kemikal na Oxytocin at Vapopressin."

Natulala ako. Hindi ko alam kung may naintindihan ako sa mga sinabi niya. Ipinilig-pilig ko ang aking ulo na parang naengkanto.

"Just when I thought that you could not get any weider." Napabuntong-hininga ako. "P-paano mo ginawa 'yun?"

"Ang alin?"

"Y-yung ginawa mo. 'Yung information scan ba 'yun? Saang lupalop ng mundo mo pinagkukuha 'yung mga ching-chong words na sinabi mo?"

"Ano 'yung ching-chong words? Wala akong sinabing ching-chong. Ang mga salitang ginamit ko ay Tagalog at English."

"Shuta!" Kamuntik ko nang masabunutan ang sarili ko sa labis na frustration. There's no in-between with this guy. He can go from super smart to super lame real quick. "Ching-chong kasi hindi ko naintindihan. OK na? Now, can you please explain to me what the hell is information scan?"

"Ah, gusto mong malaman kung ano ang information scan. Ang utak ng tao ay binubuo ng 86 billion neurons. Sa pamamagitan ng information scan, naghanap ako ng isang matalinong tao within 40 meter radius at hiniram ko ang kanyang mga kaalaman." Itinaas niya ang dalawang kamay at pinagdikit ang dalawa niyang hintuturo. "I connected my brain to his brain and our neurons temporarily connect to each other like a bridge. Ganito rin ang ginawa ko noong una tayong magkita. Hiniram ko ang mga kaalaman mo nang sa gayon ay matutunan ko ang lenggwahe mo at makilala kita."

Napanganga ako. Bumalik sa aking alaala ang unang beses naming pagkikita kung saan bigla na lamang niyang itinapal sa aking noo ang dalawang daliri niya. Ngayon ay naintindihan ko na kung anong nangyari.

"What the fuck?" bulalas ko. "You're like a human Google. Ang galing! Kung ibebenta kita sa mga bopol na estudiyante ay siguradong yayaman ako!"

"You can't sell me." Balewalang sagot niya. "I'm your genie. Walang ibang makakakita sa akin. Ikaw lang."

"Joke lang naman. Alam mo 'yung joke? Siyempre hindi kita puwedeng ibenta kasi hindi pa ako gumaganda!"

Nagpatuloy na kami uli sa paglalakad. Halos hindi ko magawang tanggalin ang paningin ko sa kanya pagkatapos. Manghang-mangha pa rin ako sa kanya.

"So alin sa tatlo ang nararamdaman mo para kay Paul?"

"Ha?"

"Kanina ay tinanong mo ako kung ano ang love. Sinabi ko sayo ang tatlong kategorya. Ano sa mga iyon ang nararamdaman mo para kay Paul?"

"Um." Napalunok ako. "Ano na nga uli 'yung tatlong categories?"

Nagbuntong-hininga si Gin. "Lust, Attraction, at Attachment."

Napaisip ako. Pinagnanasaan ko ba si Paul? Oo naman. Attracted ba ko kay Paul? Oo naman. Attached ba ko kay Paul? No doubt.

"Lahat." Sa huli ay taas-noong sagot ko kay Gin. "Lahat ng kategoryang sinabi mo ay nararamdaman ko para kay Paul."

Hindi sumagot si Gin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang may dumaang lungkot sa kanyang mga mata. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now