55

97 11 6
                                    

NANG mga sandaling iyon ay napakabilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon na nakatabi ko si Gin sa isang upuan. I was so happy I couldn't even look at him because I'm scared that he's going to vanish into thin air again.

"S-so," napalunok ako. "A-alam ba ni Millie ang tungkol dito?"

"Yes," tugon ni Gin. "Bumisita ako noong nakaraang araw sa kanyang eskwelahan upang sabihin ang plano."

Hindi ko nagawang magsalita. All of a sudden, bigla akong nablangko. Lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya ay tila bigla na lamang tinangay ng hangin.

"Mahal kita, Ella," sinsero niyang saad. "At napakasaya ko na makita kang muli."

"K-kung bumalik ka para lamang umalis muli, sa tingin ko, wala ring halaga ang pagkikita nating ito. Sobra akong nasaktan nang bigla ka na lang maglaho. And I don't want to go through the same pain again, Gin."

Inangat ni Gin ang aking baba nang sa gayon ay magsalubong ang aming mga paningin. Hinawakan niya rin ang aking mga kamay. I look at his evergreen eyes and saw a genuine promise inside it.

"Bumalik ako para hindi na muling umalis," he whispered. "Your wish came true, but I needed to go back to the stars and ready myself for a year. And now, I'm ready. Nakahanda na akong mahalin ka at makasama habang buhay, Ella."

"R-really?" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. "Gusto kong mangako ka."

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. He mouthed "I promise" before pushing me closer. Dinampian niya ng halik ang aking noo saka niyakap ako nang sobrang higpit. I felt in his embrace that he was true to his words; hindi na nga niya ako iiwan kailanman. Nagtagal kaming magkayakap bago ako kumalas sa kanyang mga bisig.

"Wait," saad ko habang pinagmamasdan ang kanyang nagniningning na buhok. "Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ang ibig sabihin at nagliliwanag ang iyong buhok."

"Well," napangiti si Gin. "Iisa lang naman ang ibig sabihin niyan. It means I'm happy. Masaya ako dahil kasama ko na uli ang taong mahal ko."

Napangiti ako at muli siyang niyakap. Siguro nga ay maituturing na siyang tao ngayon, pero hindi maikakailang may bakas pa rin siya ng isang genie. Sa kabila niyon, iisa lang ang sigurado ko; kahit tao man siya o isang genie ay mahal na mahal ko siya.

"Mabuhay!" sigaw ni Millie na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Kasunod niya sina Mamita at Madame Petunia na parehong malawak ang ngiti habang nakamasid sa amin ni Gin. Hinagisan kami ng petals ng santan ni Millie. "Mabuhay ang bagong kasal!"

Nagkatawanan na lamang kami ni Gin. Pareho kaming nag-uumapaw sa labis na kaligayahan. Muli niya akong kinabig at muli kaming nagyakap. As we do that, I saw my father in one corner. Balot siya ng isang nakasisilaw na liwanag, nakangiti, at kumakaway sa akin. Naramdaman ko sa mga ngiti niyang masayang-masaya rin siya para sa akin. I waved back at him then pulled back to stare at Gin.

"I love you," I whispered as I planted a kiss on his lips. "I will always do."

END


PS: What do you think of the ending? Don't forget to comment down your reactions and don't forget to vote if you like this work. Feel free to come back and read this story for as long as you want. Also, if you'd like a second book, do tell me so. Thank you and sorry for keeping you waiting for so long. Take care! - Fatima O'Hara

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now