13

167 8 1
                                    

"Can you fix it?"

Dinala namin ni Gin sa isang repairman na may antique shop ang bote na masusi naman nitong ininspeksyon gamit ang isang magnifying glass.

"Kakaiba ang boteng ito, ha," anang repairman matapos ang ilang sandaling pag-inspeksiyon doon. Pinag-angatan niya ako ng tingin. "Saan mo ito nakuha, hija?"

Napalunok ako. Napaka-tsismoso naman ng manggagawang ito. Naisip ko.

"Ah, eh, sa lolo pa ho ng lolo ko 'yan," pagsisinungaling ko. "Ginamit niya pong alkasya noong panahon ng giyera."

Hindi nagsalita ang repairman. Hindi ko alam kung naniwala siya sa kalokohan ko. Nanatili siyang nakatitig sa may bote na mistulang pinag-aaralan iyon.

"Ano po?" naiinip nang pukaw ko. "Kaya po ninyong gawin?"

The repairman shushed me and I rolled my eyes.

"Alam mo kasi, hija, malalim ang lamat ng bote," mayamaya ay paliwanag nito. "Kung mababagsak ito uli ay siguradong tuluyan nang mababasag."

Kinabahan ako.

"OK, listen. Kailangan pong maayos ang bote na 'yan by hook or by crook. Nakahanda po akong ipambayad ang buong tuition fee ko para lang maayos 'yan."

Pinag-kunutan niya ako ng noo.

"Hindi naman sa pagiging tsismoso, hano," anito. "Bakit napakahalaga sa'yong maayos nitong bote?"

Huminga ako nang malalim at inilapit sa kanya ang pagmumukha ko.

"Pagmasdan po ninyo 'yung mukhang 'to." I tapped my chin. "Sabihin na lang po natin na nakasalalay sa bote na 'yan ang pagganda ko."

Natulala ang repairman ng ilang sandali bago biglang bumulanghit ng tawa.

Lafastangan!

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now