3

309 8 1
                                    

I saw Paul.

Vacant period ko noon. Nakaupo ako sa isa sa mga bench sa ilalim ng punong-mangga at nag-re-review nang dumaan siya. Parang huminto ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang singkit niyang mga mata, aristocratic nose, perfect set of teeth, at side-swept bangs na nililipad pa ng hangin.

"Hi, Paul!" sobrang lakas ng boses ko.

Tumingin si Paul ngunit hindi niya ako binati. Noon ko lang napansin 'yung chix na kasama niya. It was Maggie Dela Torre, ang representative ng University sa Binibining Pilipinas. Ang ganda, ati. Shiny ang buhok. Zero pores. On point ang kilay. Long-legged. Perfect curves. Nangilid bigla ang luha ko.

"Kung sana gano'n rin ako kaganda," mahina kong naibulalas. "Siguro, mapapansin na ako ni Paul."

It was not long until I heard the disappointed sigh of Manong Victor, isa sa mga utility aide sa school.

"Maganda ka rin naman, ha." Saad ni Manong Victor. Inilapag niya ang hawak na walis sa isang gilid at naupo sa tabi ko. Binigyan niya ako ng panyo. "Punasan mo nga 'yang luha mo."

Kinuha ko ang panyo kay Manong Victor. I smiled sadly at him while I wipe the warm tears at the corners of my eyes. Kagaya ng isang normal na kolehiyala, I have my own girl friends, pero walang tutumbas sa pagkakaibigan namin ni Manong Victor na siyang tumulong sa akin nang minsang makulong ako sa gymnasium matapos makatulugan ang panonood ng practice nina Paul. Bilang single mom si Mamita, I consider Manong Victor as the father I never had.

"Kung maganda ako, ako sana ang representative ng University sa Binibining Pilipinas. Kung maganda ako, ako sana ang kasama ni Paul. Kuko lang ako sa hinliliit ng Maggie na 'yon."

"Alam mo, kaya marami sa taong miserable kasi gustong-gusto nilang ikinukumpara ang mga sarili nila sa ibang tao."

Iniharap ko kay Manong Victor ang mukha ko.

"Bilangin mo kung ilan ang pores ko, Manong Victor. May bigote pa ko. Maitim at hukot." Nagbuntong-hininga ako. "Sana may charm or potion din si Mamita para gumanda ako."

Umiling-iling si Manong Victor.

"Hala si Manong Victor! 'Wag mong sabihing hanggang ngayon ay hindi ka pa rin naniniwala sa powers ni Mamita? Magaling 'yon!"

Tinawanan lang ako ni Manong Victor.

"Mag-abang ka na lang ng shooting star," aniya. "Baka sakaling mas effective pa 'yon!"

Natahimik ako.

Why not?

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now