43

98 4 1
                                    

MADAME Petunia visited us the next morning. Nagulat na lamang ako nang makita ko siyang nakaupo sa sala at nagkakape kasabay ni Mamita. Malawak ang ngiting sinalubong niya ako ng yakap.

"Ella!" bulalas niya. "It's good to see you, darling."

Hindi ko nagawang sumagot. Kababangon ko lang kasi at ni hindi pa nagmumumog. Napangiti ako nang alanganin kay Madame Petunia.

"Wait," kumunot ang noo ni Madame Petunia at nagpalinga-linga. "Nasaan si Gin?"

Gin was there beside me. Hindi lamang siya makita ni Madame Petunia dahil nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng bote. Madame saw the glow in my eyes and understood. Napatango-tango siya at malalaki ang hakbang na bumalik sa dating puwesto habang hila ang isang kamay ko.

"Oh, you have no idea Ruby how helpful your daughter to us!" she gushed over Mamita. "Kung hindi dahil sa kanila ni Gin ay baka hindi na muli pang nakalakad ang anak ko na si Millie."

Mamita beamed, proudly. "Naikuwento nga nila sa akin. Masaya ako na nakakalakad na uli ang anak mo."

Speaking of Millie, nasaan kaya ang batang 'yun? Nagpalinga-linga ako. Excited akong makita ang maganda niyang mukha.

"Yes, darling?" pukaw ni Madame Petunia. "May hinahanap ka ba?"

"Um," napalunok ako. "Si Millie po, kasama ninyo?"

"Oh. I haven't mentioned yet. Millie started going to a normal school." Pagkukuwento ni Madame Petunia. "Ang saya-saya niya. In fact, she met a couple of friends already. Hayaan mo, sa susunod na pagbisita ko rito ay isasama ko siya."

Susunod? Napakunot-noo ako. Meron pang susunod?

"Expect us to be here often, darling," saad ni Madame Petunia na mukhang nabasa ang tumatakbo sa isip ko. "Lalo pa ngayon na malapit na ang opening ng shop ng Mamita mo."

Napakurap-kurap ako. "Shop?"

"Yes, moon pie!" It was Mamita. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa labis na saya. "Ang gusto kasi nitong ni Madame Petunia ay ako ang mag-manage ng isa sa mga beauty shop na itatayo niya."

Everything was a big blur. Wala akong maintindihan sa kahit na anong sinasabi nila. Nakatawang tinapik ni Madame Petunia ang isang braso ko.

"I own a series of business chains, darling. At matagal ko nang gustong magtayo ng isang beuty shop. Nang malaman kong nagbebenta ang Mamita mo ng mga beauty soap, I realized that she can manage the shop by herself. I'll help you produce a good amount of soap and other beauty products na siyang ibebenta sa beauty shop."

Mamita giggled. "Matagal ko nang pangarap ito, moon pie!" Binalingan niya si Madame Petunia at hinawakan nang mahigpit ang dalawang kamay nito. "Maraming salamat po sa oportunidad na ipinagkaloob ninyo."

"No worries," Ngumiti si Madame Petunia saka bumaling sa akin. "Afterall, puwede namang ipagdamot sa amin ni Ella ang isang wish niya, pero hindi niya ginawa. Buong puso niya iyong ipinagkaloob sa aking anak. At ngayon ay nais ko namang makatulong nang buong puso."

I smiled genuinely at her. "Maraming salamat po, Madame Petunia."

HINDI maikakaila ang saya ni Mamita. Nang makaalis si Madame Petunia ay naglinis siya ng buong bahay habang bumibirit ng "Pearly Shell" ni Nora Aunor. Hindi pa siya nakontento at pati yata bahay ng kapit-bahay namin ay gusto niya ring linisin.

"Moon pie?" masuyo niyang tawag sa akin. "Nasaan ang maruruming damit mo?"

"Ah, eh, nalabhan ko na po." Tugon ko. "Bakit po ba?"

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now