54

41 5 1
                                    

NAABUTAN namin si Madame Petunia at Millie sa may entrance ng theme park. Kaagad akong sinalubong ng yakap ni Millie na matagal ko na ring hindi nakita. I embraced her back, and suddenly, I felt good.

"Na-miss kita, ate," saad niya. "Kumusta ka na?"

"I'm OK, Millie," ngumiti ako ngunit hindi iyon umabot sa aking mga mata. "And I missed you too."

Magkahawak-kamay kaming pumasok ni Millie sa theme park, habang sina Mamita at Madame Petunia naman ay nakasunod lamang sa aming likuran. Pagkapasok na pagkapasok sa loob, Millie tricked our both moms into riding the roller coaster. Tawa kami nang tawa habang naghahalinhinan sa pagsigaw ng "susmaryosep" sina Mamita at Madame Petunia.

"Nako, bakit mo ginawa iyon," natatawa pa ring sabi ko. "Sigurado magagalit sa'yo sina Mamita pagbaba nila."

"No, they won't," kibit-balikat naman ni Millie. "And besides, may gusto kasi akong puntahan eh."

Itatanong ko pa lamang sana kung saan nang bigla nang hilahin ni Millie ang aking kamay patungo sa isang booth. Bumili siya ng dalawang ticket para sa isang magic show. I cannot believe she ditched our moms so we could watch this show together.

"It's my first time here," komento ko nang makahanap na kami ng puwesto sa harapan. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa magic show."

"Well, magic ang dahilan kaya nakakalakad na ako uli ngayon, hindi ba? Kung 'di dahil sa magic ay siguradong nasa attic pa rin ako hanggang ngayon. Hindi na ako kailanman makakasayaw o magkakaraoon ng kaibigan."

Natigilan ako. Biglang bumalik sa alaala ko si Gin nang marinig ang kanyang sinabi. Natatandaan ko pa nang hilingin ko sa kanyang ibalik ang kakayahan ni Millie na makalakad. Bigla na namang lumaganap ang lungkot sa katauhan ko. Sinubukan kong magpakasaya at hindi ipakita kay Millie iyon.

"Um, anong oras ba magsisimula ang magic show?" tanong ko kay Millie na sadyang iniwasang magkomento tungkol sa nauna niyang pahayag. "Bakit parang tayong dalawa pa lamang yata ang tao rito?"

"Malapit na, ate," tugon niya na may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. "Ah, teka, magbabanyo lang ako."

Tumindig si Millie mula sa tabi ko at dire-diretsong lumabas. Wala naman akong nagawa kung hindi ang nagtatakang sundan na lamang siya ng tingin. Wala pang isang minuto pagkalabas niya ay bigla na lamang namatay ang mga ilaw. Gulat na nagpalinga-linga ako.

"Wait, magsisimula na po ba ang show?" sigaw ko sa pag-aakalang may staff na makakarinig sa akin. "Um, kasi, wala pa po kasi ang kasama ko."

Walang tumugon sa akin. Sa halip ay biglang nagliwanag ang stage. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita kong may isang lalaking nakasuot ng hat ang nakatayo sa gitna niyon.

"Um," napalunok ako. "K-kayo po ba ang magician?"

Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip ay dahan-dahan siyang humarap sa akin. Halos mapigil ko ang aking hininga nang mapagmasdan ang kanyang mukha.

"G-Gin?" saad ko na nagmistulang bulong. "I-ikaw ba 'yan?"

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now