11

190 9 2
                                    

"Waaaah!!!" nagpapadyak na sigaw ko habang sinisipat sa salamin ang mukha ko. "Anong ginagawa mo sa akin, Gin?!"

Mahirap para sa akin na sabihin ito pero sobrang pangit ko. Yes, mas pangit pa sa dati. My hair is super short and I got bangs! Kumapal 'yung kilay ko at nagsungki-sungki 'yung ngipin ko. Tapos, tinubuan ako ng napakaraming kumpol-kumpol na nunal sa pisngi. Ba't sa halip na gumanda ay pumangit pa kong lalo?

"Ibalik mo ko sa dati!" ang muryot ko. "Ibalik mo ako sa dati leche ka!"

Hindi pa rin nagsasalita si Gin. Nakatingin lang siya sa kanyang kamay. Hindi nagtagal ay napatingin siya sa akin na mistulang may kung anong naalala.

"Paano mo akong pinalaya?" tanong niya sa akin. "Did you remove the cork from the bottle?"

Hindi ko makuhang sumagot. Iyak ako nang iyak. Paano na ako magugustuhan ni Paul ngayon?

Napabuntong-hininga si Gin. Inikot niya nag kuwarto ko na mistulang may hinahanap. It was the bottle. He found it lying under the table. Masusi niya iyong ininspeksyon at namutla siya nang makitang may lamat iyon sa gitna.

"Hinagis mo 'yung bote," aniya na ipinakita sa akin 'yung lamat niyon. "Nag-leak 'yung usok and I was forcibly freed from the inside!"

"Eh ano naman?" ngumangawa pa rin na sikmat ko. "Mahalaga pa ba 'yan kaysa sa hitsura kong binaboy mo?!"

"Makinig ka, Ella. Naaapektuhan ang kapangyarihan ng isang genie na magtupad ng wishes base sa kung paano siya pinalaya. Kaya kung pinalaya mo ako nang sapilitan, sa halip na positibo ang kalabasan ng wish mo, mababaligtad ito. Naiintindihan mo?"

Natulala ako.

"What the heck?" bulalas ko matapos mag-sink-in sa akin ang lahat. "Kaya ba sa halip na gumanda ay pumangit ako?"

Tumango si Gin.

"Shit!" nanlalambot na napaupo ako sa sahig. "What if I wish na pumangit ako?"

"Not going to work." Umiiling na tugon ni Gin. "I am doomed to accept only positive wishes."

Problemadong dumukdok ako sa pagitan ng aking mga tuhod. "Anong gagawin natin?"

"Kailangan nating humanap ng paraan para mabuo uli ang bote." Saad ni Gin. "That is the only way."

OPPOSITE WISHESOn viuen les histories. Descobreix ara