20

140 5 1
                                    

I have a 9 AM class kinabukasan kaya maaga akong gumising. Naligo ako, nag-toothbrush, at kahit hindi naman ako mabibigyan ng kahit kaunting ganda ay nagpahid na rin ako ng pulbos at naglagay ng lipstick. Tahimik lang na nakaupo sa tabi ko si Gin sa buong oras ng biyahe papuntang school. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Sa wakas ay tinalaban na rin yata ng puyat.

Pagdating ko sa university ay si Manong Victor kaagad ang bumungad sa akin. Grabe, na-miss ko si Manong Victor. Ang tagal niya ring hindi nagpakita sa akin.

"Uy, Manong Victor, anong nangyari sa inyo?" ang salubong ko sa kanya. "Bakit ang tagal ninyong hindi nagparamdam sa akin?"

"Ah, eh, mayro'n lang akong inasikaso," napapakamot ng ulong sagot niya. Napatitig siya sa tabi ko at biglang kumunot ang kanyang noo. "May kasama ka ba?"

Natulala ako. Sumulyap ako sa tabi ko at nakita kong nakatayo si Gin. Shit, nakikita kaya siya ni Manong Victor?

"P-po?" Napangiti ako nang alanganin sa kanya. "A-ano pong ibig ninyong sabihin?"

Nawala ang guhit sa noo ni Manong Victor at tila nakahinga nang maluwag.

"Wala, ginugudtaym lang kita!" aniyang biglang tumawa. Napahinto siyang bigla at napatitig sa mukha ko. "Sandali, ano palang nangyari diyan sa mukha mo?"

Napakamot ako bigla ng ulo. Ang buong akala ko ay hindi na niya napansin ang pagbabago sa hitsura ko. Grabe, gano'n pala talaga kalala ang nangyari sa akin!

"Hay, nako, mahabang kuwento po, Manong Victor. Mayro'ng kinalaman sa allergies. Basta mahirap i-explain." Pagdadahilan ko. "Bakit po? Napapangitan po ba kayo sa new look ko? Ayaw na ninyo akong maging friend?"

"Sus, wala naman akong sinabi. Saka, bakit naman kita itatakwil bilang kaibigan ko? Ikaw kaya ang paborito kong kaibigan!"

"Huwag na ninyong bilugin ang ulo ko, Manong Victor. Ako lang ang kaibigan ninyo. Natural, magiging paborito n'yo talaga ako!"

Tinawanan ako ni Manong Victor. "O, siya, mauuna na ko. May trabaho pa ako eh. Sisilip-silipin na lang kita sa classroom mo kapag bakante ako." Muli niyang pinagmasdan ang mukha ko. "'Yung allergies mo pala, ipagamot mo, ha."

"Hmp!" humalukipkip ako. "Sinasabi ko na nga ba at napapangitan ka sa akin!"

Tinawanan lang uli ako ni Manong Victor at umalis na. Kinawayan ko pa siya bago siya tuluyang lumiko sa isang hallway at mawala sa paningin ko.

"Kaibigan mo?" tanong sa akin ni Gin nang makaalis na si Manong Victor.

"Yep. Mabait 'yun. Si Manong Victor." Pagmamalaki ko kay Gin. "May iba rin naman akong mga kaibigan, pero iba 'yung pagkakaibigan namin ni Manong Victor. Espesyal. Alam kong mapapagkatiwalaan siya."

Napatango-tango si Gin.

"Wait, bakit mo pala naitanong?"

"May iba akong nararamdaman sa kanya." Tugon ni Gin. "Sa tingin ko ay nakikita niya ako."

"Ha? Si Manong Victor? Sus, joke nga lang daw 'yung kanina ikaw talaga!" Inirapan ko siya. "Tigilan mo na nga 'yan at tara na sa classroom bago pa ko mahuli. Terror pa naman 'yung prof namin ngayong first period. Baka ako 'yung unahin no'n sa recitation."

Hindi tumugon si Gin at sumunod lang sa akin.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now