38

104 5 1
                                    

Pinagtinginan ng dalawang tinderang babae si Gin pagpasok namin sa ukayan. With his long, blue hair and unusual clothing, hindi na ako nagtakang ganito ang reaksyon makukuha niya mula sa mga tao lalo pa ngayong nakikita na siya ng iba liban sa akin. Nang subukan kong humakbang papasok sa loob ay hinila niya ang isang braso ko.

"Wait, Ella," pigil niya. "Kailangan ba talaga nating gawin ito?"

"Oo naman. Magsisimula na tayo sa paghahanap kay Petunia Dimayuga at hindi puwedeng ganyan ang suot mo. Kailangan mong magdamit na parang isang normal na tao, kung hindi ay mabilis nilang maaamoy na may kakaiba sa'yo."

Napabuntong-hininga si Gin. Sinubukan kong ngitian ang dalawang tindera at tumango naman ang mga ito sa amin. Nagdire-diretso na kami patungo sa mga nakasabit na secondhand shirts. May nakita akong isang plain, black shirt. Itinapat koi yon sa frame ni Gin at hindi ko naiwasang mapangiti.

"Ito, mukhang bagay ito sa'yo," saad ko. "Dali na, isukat mo."

"Um," napalunok si Gin. Kinuha niya mula sa akin ang damit at matamang pinagmasdan iyon. "P-paano?"

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Nakalimutan kong hindi nga pala tao si Gin at marami siyang hindi alam.

"Hay, akin na nga," binawi ko mula sa kanya ang shirt. "Itaas mo ang dalawang kamay mo."

Itinaas ni Gin ang dalawang kamay niya kagaya ng sinabi ko. Inilusot ko ang manggas sa mga braso ni Gin. Mabilis namang lumusot iyon, ngunit medyo nahirapan kami pagdating sa kanyang ulo. Ang kapal kasi ng buhok ng mokong eh!

"Ella," tawag niya sa akin. Kalahati lang ng kanyang noo ang nagawang makalusot sa damit. "P-parang hindi naman yata kasya sa akin ito."

"Kasya 'yan, ano ka ba!" sikmat ko sa kanya. Hinila ko pababa ang laylayan ng damit. "Huwag ka muna kasing huming..."

Hindi ko na nagawa pang ituloy ang aking sinasabi. Lumusot na ang ulo ni Gin sa may damit at nagtagpo ang aming mga mukha. Ako ang biglang parang hindi nakahinga nang ma-realize ko kung gaano kalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Nagsalubong ang mga mata namin at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"Ella?" pukaw niya sa akin. "A-ano, bagay ba sa akin?"

Napakurap-kurap ako. Napatitig ako sa damit. Kunwari ay pinag-aralan ko iyon kahit na sa totoo lang ay hindi ko magawang mag-focus dahil mabilis pa rin ang tibok ng aking puso.

"Um," napapalunok na humakbang ako palayo. "B-bagay naman."

Kumunot ang noo ni Gin. "T-teka, OK ka lang ba?"

"OK lang, OK lang!" sigaw ko saka ko siya tinalikuran. "Alam mo, tara magtingin naman doon. Mukhang marami rin doon eh! Tara!"

Nagtataka naman na sumunod na lang sa akin si Gin.



NAGMAMADALI akong umuwi nang hapong iyon. May usapan kasi kami ni Gin na after class ko ay didiretso kami sa bahay ni Petunia Dimayuga para mabawi na namin ang bote. Palabas na ko noon ng university compound nang biglang may humila ng strap ng bag ko.

"Where do you think you're going?" taas-kilay na sabi niya. "Siguro may usapan na naman kayo ni Paul, ano?"

"What?" hinila ko pabalik ang strap ng aking bag. "Ano bang pinagsasabi mo diyan, Maggie?"

"Kunwari ka pa, bitch! Akala mo siguro hindi ko malalaman, ano? Ang kapal ng mukha mo!"

Tinulak-tulak ako ni Maggie gamit ang isa niyang kamay. Namumula siya sa sobrang galit. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapaatras.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now