7

221 8 1
                                    

"Waaaaaahhhhh!!!!"

Hindi ko akalain na sumisigaw pala ako. In between my screams, bigla akong naubo. Marahil dahil sa makapal na usok. Nag-angat ako ng ulo mula sa pagkakadukdok sa aking tuhod. Sinubukan kong makaaninag. Sana pala hindi na lang. Nanlaki ang mga mata ko. An unfamiliar man emerged from the smoke. Sigaw uli.

"Waaaaaahhhhh!!!!"

Nahinto lang ang sigaw ko nang may malamig na palad na sumaklob sa bibig ko. Nanigas ako bigla. Dahan-dahang nawala ang usok at sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong nakikipagtitigan sa isang pares ng kulay luntiang mga mata.

"Hi-yah!"

Sinipa ko ang nilalang sa harap ko. Ginamit ko ang kaunting kaalaman sa self-defense na natutunan ko kay Manong Victor. The strange man fell flat on the floor. Kinabahan ako. Napatay ko pa yata ang hinayupak.

Dahan-dahan akong tumayo. Pinagmasdan ko ang walang-malay na nilalang. I figured, although his entrance is pretty unusual, he looks more like a normal guy. Mayro'ng pares ng bilugang mga mata na pinaresan ng mahahabang pilikmata. Mataas ang bridge ng ilong nito. Maputla ang mga labi.

Wala, wala namang kakaiba sa kanya liban sa buhok at suot na damit. Kulay-asul ang hanggang balikat nitong buhok at nakatali sa kalahati. He's wearing nothing but a silver vest, and a huge pantsuit of the same color. He's barefooted.

Medyo lumakas pa ang loob ko. Yumuko ako at sinundot-sundot ang pisngi nito. Biglang dumilat ang hinayupak! Napaatras ako sabay dampot ng aking high-heeled boots. Akmang ihahampas ko 'yon sa kanyang mukha nang bigla niyang itaas ang isang kamay. In just a few circle motions, isang tila invisible na tali ang biglang naghugpong sa aking dalawang kamay.

"Spiderman!!!" Natahimik ako. No, imposibleng si Spiderman ito. Nag-isip ako uli at muling sumigaw. "Impakto!!!"

Hindi ko alam kung paanong hindi ako naririnig ni Mamita sa baba. The strange guy moved closer. Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha at saka nakakalokong pinagmasdan ako. Hindi naman sa pagka-asyumera, pero ang buong akala ko talaga ay hahalikan niya ako kaya napapikit ako. Sa gulat ko ay ilalagay niya lang pala ang dalawang daliri ng kanang palad niya sa noo ko. I stared curious at him. Ano kayang ginagawa ng lokong ito?

He closed his eyes. I felt a strange wave of electric-like power surging in my veins. Ilang sandali pa ay kusa na ring sumara ang mga mata ko. Nang magmulat ako ng paningin ay wala na ang puwersa sa dalawang kamay ko at malayo na rin ang distansiya naming dalawa.

"Pilipinas, year 2020." Sa kauna-unahang pagkakataon ay sambit niya. Kakaiba ang boses niya. Mababa. Malamig. Misteryoso. Pinagmasdan niya ako. "Ikaw si Estrella, dalawampung-taong gulang. Kasaluluyang nag-aaral sa kolehiyo. Ang iyong ina ay isang manghuhula."

Oh. God. Nanlaki ang mga mata ko.

"H-hoy, kung sino ka mang masamang espiritu ka, umayos ka!" Lakas-loob kong saad. "Hindi ako natatakot sa'yo!"

Joke lang, natatakot talaga ako.

"Masamang-espiritu?" Nagsalubong ang kanyang dalawang makakapal na kilay. "Hindi ako masamang espiritu."

"Lokohin mo lelong mong panot!" dumila pa ako. "Masamang espiritu lang ang makakagawa ng mga ginagawa mo!"

Umiling siya.

"Muli, hindi ako masamang-espiritu," piksi niya. "Isa akong Genie."

Mistulang echo na paulit-ulit umalingawngaw ang kanyang mga huling salita sa aking tenga.

Genie.

Genie.

Genie.

Naka-drugs ba ang isang 'to?

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon