47

36 4 1
                                    

PINAGTITINGINAN ako ng mga estudiyante nang pumasok ako sa university. They all have silly smiles on their faces while whispering in the air. Alam kong pinagtatawanan pa rin nila ang kahihiyang sinapit ko sa may graduation ball. I pretended I didn't notice, but my eyes cannot hide the fact that I'm still super hurt and embarrassed. Mabuti na lang at nakita ko si Manong Victor.

"Ella, kumusta?" nakangiting bati niya sa akin, ngunit agad ring sumeryoso ang kanyang mukha. "Um, narinig ko 'yung nangyari sa graduation ball." Pinagmasdan niya ang aking mukha. "OK ka lang ba?"

Hindi ko nagawang sumagot. Ang tinatago kong mga luha ay tuluyan nang sumilip sa aking mga mata. Niyakap ko si Manong Victor.

"Tahan na," marahan niyang wika habang tinapik-tapik ang aking likuran. "Huwag mo nang isipin 'yun."

Nagtungo kami ni Mang Victor sa may bench na madalas naming tambayan. Naupo lang kami roon. I suddenly felt at ease by his presence.

"Bakit ngayon lang ho kayo uli nagpakita sa akin, Manong Victor?" usisa ko. "Alam naman ninyong kayo lamang ang kaibigan ko."

"Ah, eh," napakamot si Manong Victor sa kanyang batok. "Marami kasi akong inaasikaso nitong mga nakaraang linggo, Ella."

Nakakunot-noong pinagmasdan ko si Manong Victor. Although, he's smiling, there's something sad about his eyes. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya.

"Manong Victor?" pukaw ko. "May problema ho ba?"

"P-problema? N-nako, wala! Ito talagang batang ito." Ngumiti siya sa akin ngunit hindi uli umabot iyon sa kanyang mga mata. "Um, siya nga pala, kumusta na kayo ni Paul?"

Hindi ako nakasagot agad. Napabuntong-hininga lang ako. Naalala ko kung paanong tiningnan lamang ako ni Paul habang pinagtatawanan ako ng ibang mga estudiyante sa graduation ball. Kasabay niyon ay naalala ko rin si Gin; kung paano niya ako pinrotektahan hanggang sa makauwi kami.

"Alam mo, Manong Victor, I'm no expert in love. Buong buhay ko, iisang lalaki lamang ang pinagtuunan ko ng buong mundo ko, and that's Paul. Pero that night, when Maggie embarrassed me in front of all the students and teachers, may isang bagay akong na-realize." Napalunok ako. "Ang pag-ibig pala ay hindi lang nakabase sa kilig o sayang naibibigay sa'yo ng isang tao. It's more of concern. Kung concern sa'yo ang isang tao at nakahanda siyang gawin ang lahat para lamang mabigyan ka ng proteksyon, that means so much more. Mas madali pa lang mahalin ang isang tao kung higit niyang iniisip ang kapakanan mo kaysa sa kapakanan niya."

Nang matapos akong magsalita ay pinagmasdan lamang ako ni Manong Victor. I could see in his glistening eyes that he's very proud of me. Ngumiti siya sa akin.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa mga narinig ko mula sa'yo, Ella," sinserong saad niya. "Ngayong alam kong alam mo na ang totoong kahulugan ng pagmamahal, maaari na kitang iwan."

"P-po?" Biglang gumuhit sa ekspresyon ko ang magkahalong pagkagulat at pag-aalala. "Aalis po ba kayo, Manong Victor."

Tumango lamang si Manong Victor bilang pagkukumpirma.

"P-pero," napalunok ako. "Saan naman po kayo pupunta?"

Hindi siya sumagot kaagad at sa halip ay hinawakan ang isang palad ko. He stared directly into my eyes. Pinisil niya ang palad ko at muling ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, kung saan man ako pupunta, pinapangako ko sa'yong, hinding-hindi kita kakalimutan." aniya. "Palagi pa rin kitang babantayan."

Suddenly, I found myself crying again. Niyakap ko uli si Manong Victor. Magsimula nang pumasok ako sa university ay siya lamang ang natatanging naging tapat na kaibigan ko kaya naman hindi ko maiwasang malungkot nang sobra sa kaalamang aalis na siya.

"Nandito lang ako para sa'yo, Ella," he said. "Always."

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon