44

102 5 1
                                    

MAY exams kami nang araw na iyon. My eyes are focused on my reviewers when someone bumped into me. Nahulog ang dala kong mga gamit at nagkalat sa daan. Nang akmang pupulutin ko iyon ay isang paang nakasuot ng pulang stilletos ang sumipa roon. Pag-angat ko nang paningin ay nakita ko si Maggie. She was smiling her evil smile at me.

"Oops, sorry," she said, sarcastically. "Hindi ko sinasadya."

Sinimangutan ko si Maggie. Hindi talaga ako titigilan nang bruhang ito. Humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng isang kilay.

"My, what are you wearing, Ella?" Her judgmental eyes stared at my plain top and skirt. "Basahan ba 'yan?"

Napabuntong-hininga ako. Gustong-gusto ko siyang sabunutan pero pinilit ko pa ring kalmahin ang sarili ko. Nang medyo kalmado na ako ay saka ako nagsalita.

"Alam mo, Maggie, wala akong panahon sa'yo. Lalong wala akong panahon sa opinyon mo. Puwede ba, tigilan mo na ako?"

Akmang magsasalita si Maggie nang biglang dumating si Paul. Naguguluhang pinaglipat-lipat niya ang paningin sa amin ni Maggie.

"What's happening here?" Binalingan niya si Maggie. "Are you trying to bully Ella, again?"

"What?" Nakatawang umismid si Maggie. Lumapit siya kay Paul at ipinalupot ang isang kamay niya sa braso nito. "Ikaw naman, Paul. I wouldn't do such a thing. You know that."

I secretly rolled my eyes. Napakasinungaling talaga ng bruha. Isa-isa kong pinulot ang mga nahulog kong gamit at nagulat ako nang kumawala si Paul sa pagkakahawak ni Maggie para tulungan ako.

"Allow me," nakangiting saad niya saka pinulot ang mga libro ko at iabot sa akin. "Are you all right?"

Napatunganga si Maggie. Hindi makapaniwalang pinagmasdan niya kami ni Paul. She turned red because of so much jealousy.

"Anyway," umubo kunwari si Maggie para muling mabaling sa kanya ang atensyon ni Paul. "Like I said, I was not doing anything to Ella. In fact, I was just telling her the good news."

Parehong kumunot ang noo namin ni Paul. Napatitig kaming pareho kay Maggie. She was smiling that evil smile of her again.

"Good news?" Paul broke the silence. "Anong good news?"

"Well," muli siyang humawak kay Paul at kumapit sa braso nito na parang Chimpanzee. "You're going to take me to the graduation ball, right? That's the good news!"

Natigilan si Paul. Natigilan rin ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa rebelasyong iyon ni Maggie.

"W-what?" Hindi magkandatutong saad ni Paul. "When did I say that?"

"Not important," pagdi-dismiss ni Maggie na inayos ang kuwelyo ng uniporme ni Paul. "Naipamalita ko na sa buong university. I even posted about it on social media sites. Hindi mo naman siguro ako ipapahiya 'di ba, Paul?"

Hindi nagawang magsalita ni Paul. Pinagmasdan niya ako. There was so much sadness, regret, and anger inside his eyes. Magsasalita sana siya ngunit agad rin siyang natigilan nang magsalita ako.

"I have to go," anunsyo ko. "May exams pa ako so..." napabuntong-hininga ako. "E-enjoy na lang sa graduation ball."

Nilampasan ko na silang dalawa at tuluyang tinalikuran. Napapalunok naman na hinabol ako ng tingin ni Paul. Maggie, on the other hand, is smiling viciously as if she won the game.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now