53

40 5 1
                                    

One year later...

"ELLA?" Mamita called. "Anak, handa na ang hapunan."

I stirred from the table. Dahan-dahan akong nagmulat ng paningin. Nang mag-angat ako ng ulo ay namataan ko si Mamita na nakatayo sa may bukana ng pinto ng aking kuwarto. Worry is written all over her face as she stares at me.

"Mamita," I mumbled. "Pasensiya na po, nakatulog po pala ako."

Tuluyan nang pumasok si Mamita sa aking kuwarto. Naupo siya sa gilid ng aking kama at pinagmasdan ang mga nagkalat na libro sa kama, sa table, at pati na rin sa sahig. Lahat ng mga librong iyon ay patungkol sa magic, genie, at shooting stars.

"Moon pie, anong mga ito?" saad niya. "Ang akala ko ba ay napag-usapan na titigil ka na sa pagsasaliksik mo? Tingnan mo nga ang sarili mo. Nangangayayat ka na sa kakapuyat at hindi pagkain."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko magawang tumingin nang diretso kay Mamita. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang hindi ko kayang basta na lamang isuko ang nalalabing pag-asa sa puso ko na naniniwalang makikita ko pa uli si Gin.

"Hay, moonpie. It's been a year. Nahihirapan akong nakikita kang nagkakaganyan eh." Hinawakan niya ang aking balikat. "Bakit hindi mo na lang tanggapin na wala na si Gin?"

"P-pero hindi tayo siguradong wala na siya, Mamita," biglang nanginig ang aking tinig. "B-baka lang... b-baka lang kasi may pag-asa pang bumalik siya."

Nakakaunawang pinagmasdan ako ni Mamita. Kinabig niya ako. At sa ibabaw ng kanyang balikat, malaya akong umiyak katulad noong araw na mawala si Gin.

"I-I don't know what happened," umiiyak na saad ko. "I-I was so sure it's going to work. A-ang buong akala ko ay magiging ganap na siyang tao. K-kung alam ko lang na mawawala siya ay hindi ko na sana ginamit pa ang natitira kong wish."

"Tahan na, moon pie," Marahang tinapik-tapik ni Mamita ang aking likuran. "Hindi mo kasalanan na sinubukan mo. Otherwise, paano mo malalaman, hindi ba?"

"P-pero nawala si Gin dahil sa akin," I bit my lower lip. "It was all my fault."

"Nawala si Gin dahil hindi siya katulad natin. Hindi siya isang tao. May sarili siyang mundo at kailangan niyang bumalik doon."

Hindi ko nagawang magsalita. Kahit hindi totoong tao si Gin ay minahal ko siya nang totoo. Masakit para sa aking isipin na hindi pala naging sapat ang pagmamahal na iyon upang mapanatili ko siya sa aking tabi.

"Huwag ka nang umiyak, OK?" Dinampian niya ng halik ang aking noo. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Pagkatapos noon, lumabas tayo. Binigyan ako ng tickets ni Madame Petunia sa isang theme park. Para naman malibang ka at hindi 'yung nagmumukmok ka lang dito."

Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang aking palad. Umahon ako mula sa balikat ni Mamita at pinilit ngumiti. Siguro nga, katulad ng kanyang sinabi ay kailangan kong lumabas. Masiyado na akong nalulungkot. And Gin would surely not be happy if he'll know about it.

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now