4

275 7 1
                                    

Nang gabing iyon, umakyat ako sa bubong. Sineryoso ko ang payo ni Manong Victor at nag-abang ako ng shooting stars. Yes, ganito ako ka-dedicated kay Paul.

Habang nag-hihintay ng shooting star, gumawa muna ako ng listahan ng mga bagay na gusto kong i-wish. Hindi ko alam kung allowed ang higit sa isang wish per shooting star, pero dinamihan ko na rin ang sinulat ko sa listahan. Suwerte ko na lang siguro kung higit sa isang shooting star ang makita ko ngayong gabi. Nonetheless, here are the things that I'm going to wish if ever a shooting star reveal itself on me tonight:

1. Gumanda ako, mala-Catriona Gray or Kelsey Meritt. Pak!

2. Ma-in-love sa akin si Paul, as in head-over-heels in love na tipong hindi niya magawang iwaglit 'yung paningin niya sa akin sa sobrang ganda ko.

3. Makilala si Mamita sa buong bansa bilang isang magaling na manghuhula, 'yung tipong dadami ang customers niya, lalabas siya sa TV, at i-pi-feature sa magazines. Sisikat siya. Yayaman kami at hindi na namin kailangang tumira sa uuga-ugang two-storey antique house na minana pa ni Mamita sa lolo ng lolo niya.

4. Makilala ko ang tatay ko. I don't know him. I don't have a picture of him. I don't even know his name. Ayaw nang pag-usapan pa ni Mamita.

All right, I'm ready. Here we go. Nag-abang ako ng shooting star for one, two, three hours. Nakatulog ako at nagising ng alas-dos nang madaling araw.

Naghintay ako for another one hour. Hindi na kaya ng mata ko. Antok na antok na ko. I decided, bukas na lang uli. Maybe it's not my night. Maybe...

Shing, shing, shing

Napigil ko ang hininga ko. May shooting star. Sandali akong hindi nakagalaw hanggang sa maalala ko ang listahan. I rummaged the rooftop for my list. Nasaan? Shit, shit. Okay, I got it. Tumingin ako sa uli sa langit, akmang ibubulong ang aking wishes kaso, kaso...

"Shit!" mura ko. "Gano'n ba talaga kabilis 'yun?"

OPPOSITE WISHESOù les histoires vivent. Découvrez maintenant