51

34 7 1
                                    

NAGMULAT ako ng paningin mula sa isang tila ba napakahimbing na tulog. Ang kulay puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Matagal ko iyong pinagmamasdan habang inaalala ang mga detalye sa aking panaginip. Unti-unting umangat ang aking mga labi nang tuluyan na iyong maalala.

"Ella?" It was Gin. "You look happy."

"I am." Nakangiti pa ring tugon ko. "Ang ganda kasi ng panaginip ko."

Tumango-tango si Gin. Naupo siya sa gilid ng aking kama. Sa ilang saglit ay nabalot kami nang isang nakabibinging katahimikan.

"I know it's is too early to bring this up," saad niya. "Pero gusto ko lang sanang malaman kung nakapagdesisyon ka na."

"Oh," I whispered. "You mean about the fourth wish?"

"Yes." Answered Gin. "Gusto ko na sana kasing maipagkaloob ang wish mo nang sa gayon ay makabalik na ako sa mga bituin."

I was silent for a minute. Pinagmasdan ko si Gin. Taliwas sa kanyang pahayag ay mukhang hindi naman talaga niya gusto talagang bumalik sa kanyang dating mundo.

"Bakit?" tanong ko. "Ayaw mo na ba akong makasama?"

"I-It's not like that," napabuntong-hininga si Gin. Sinulyapan niya ako at direktang pinagmasdan ang aking mga mata. "Listen, I-I really don't know how to say this. Siguro dahil hanggang ngayon ay hindi ko rin alam kung paano nangyari. Higit sa lahat hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo."

"Ang alin?"

"Na mahal kita." Confessed Gin. Parang biglang namanhid ang buo kong katawan at hindi ko nagawang gumalaw. "Mahal kita, Ella. At hindi lang basta pagmamahal dahil ikaw ang aking master. Mahal kita dahil ikaw ay ikaw at isa kang mabuting tao."

Again, there was a stunning silence between us. Hindi ko magawang tingnan si Gin. Pulang-pula ang magkabilang pisngi ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Gusto kong matupad ang lahat ng wishes mo hindi dahil sa ayaw na kitang makasama. Ang totoo niyan, araw-araw ay gusto kitang makasama. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na hindi ka kasama." Nagbuntong-hininga si Gin. "Ang totoo niyan, kaya ko gustong makabalik sa mga bituin ay dahil natatakot akong lalo pa kitang mahalin kapag nagtagal pa ako sa mundong ito. Lalo lamang akong mahihirapang kalimutan ka kung madadagdagan pa ang ating mga alaala. And I don't think it's fair for me, lalo pa at alam kong si Paul ang totoong gusto mo."

"P-pero hindi si Paul ang gusto ko," apela ko. Napapalunok na sumulyap ako kay Gin. "Ikaw ang totoong gusto ko, Gin."

Gin was stunned. Hindi niya agad nagawang magsalita. Natutulalang napatitig lamang siya sa akin.

"P-Pero nakita ko kayo," he insisted. "Nakita ko kayo noong gabing magpunta siya rito. Y-you are hugging him. A-ang buong akala ko ay sinagot mo na siya."

Napangiti ako kay Gin. So that is the reason. Kaya naman pala nagmamadaling bumalik sa mga bituin ang mokong ay dahil inakala niyang may namamagitan na sa amin ni Paul. Kinuha ko ang kanyang isang kamay at mahigpit na hinawakan iyon.

"I was hugging Paul because I just told him that we can never be more than friends. Hindi ko na kayang magmahal ng iba pa bukod sa'yo. I am truly, madly, and deeply in love with you, Gin."

Sa pagkakataong iyon ay unti-unti na ring tumaas ang sulok ng mga labi ni Gin. Inangat niya ang kamay ko at dinampian iyon ng halik. I suddenly got butterflies on my stomach.

"I am in love with you, too," sinserong saad niya. "Pero anong gagawin natin? Isa kang tao at isa naman akong genie. Darating ang panahon na kakailanganin mong gamitin ang huli mong wish. At pagdating ng panahon na iyon, kailangan ko nang maglaho. Kailangan ko nang bumalik sa dati kong mundo."

Sa halip na mabahala ay ngumiti ako kay Gin. "I know. At gagamitin ko naman talaga ang huli kong wish. Gagamitin ko para tuluyan ka nang maging ganap na tao."

"H-huh?" Gumuhit ang pagtatataka sa mukha ni Paul. "Pero paano 'yung wish mong makaharap uli ang tatay mo?"

"Nakaharap ko na siya," nakangiti pa ring tugon ko sa kanya. "Sa aking panaginip. Nakaharap ko siya. At alam mo kung anong sabi niya sa akin?"

"A-ano?"

"Sabi niya, nandito lang daw siya lagi sa tabi ko. Hindi ko raw siya kailangang hanapin pa. Pinayuhan niya rin ako na gamitin ang huli kong wish para makamit ang isang bagay na totoong magpapasaya sa akin." I gently touched his cheeks. "At alam mo kung anong isang bagay na totoong makakapagpasaya sa akin? Iyon ay ang maging tao ka. Gusto kitang makasama sa bawat araw ng buhay ko, Gin."

"Ako rin," nakangiti niyang tugon. "Gusto rin kitang makasama habang-buhay, Ella."

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now