5

245 7 1
                                    

May sumabit sa buhok ko. Sa gulat ay napabangon akong bigla. Kamuntik na akong atakihin sa puso nang ma-realized na nasa bubong pa rin pala ako. Naalala kong sa sobrang inis ko kagabi na hindi ko nasabi ang wish ko bago tuluyang mawala ang shooting star ay ipinagpaliban ko ang pagpasok ng kuwarto. Nagbaka-sakali uli akong may makikitang shooting star kaso nakatulugan ko na.

"Hoy, Estrella!" sigaw ni Mamita sa bintana ng kuwarto habang hawak ang aking monopod. "Magpapakamatay ka bang sira-ulo kang bata ka?!"

Nabuhay bigla ang dugo ko sa lakas ng boses ni Mamita. Karipas ako ng akyat pabalik ng kuwarto. Shit, lagot na naman ako nito.

"Pabalik na, ma!" sigaw ko. "Pabalik na!"

Inabot ni Mamita ang kamay ko mula sa bintana hanggang sa makaapak na ang mga paa ko sa sahig ng kuwarto. Nakapameywang na pinagmasdan niya ako. Nang hindi pa makuntento ay kinapkapan niya ako.

"Ano 'to?" aniya na may hinugot sa bulsa ng panjama ko. "Uminom ka?!"

Pinagmasdan ko ang hawak niya; isang bote. Isang gusgusing bote na may coating na kulay brown at may cork sa nguso. May nakapalupot ring gula-gulanit na kulay pulang tali sa leeg niyon.

"Bote po, Mamita." Tugon ko, wala naman sa loob ko na pilosopohin siya.

Ipinukpok sa akin ni Mamita ang bote. Napangiwi ako. Kinamot-kamot ko ang ulo ko.

"Alam kong bote ito, pero saan galing? At anong ginagawa mo riyan sa bubong? Nagwalwal ka, gano'n?"

"Mamita, kung magwawalwal ako, hindi sa bubong. Sa isang karaoke bar. Maglalasing ako habang bumibirit ng Where do Broken Hearts Go ni Whitney Houston."

Kinuha ko mula sa kanya ang bote. Inamoy. Ipinaamoy ko rin iyon sa kanya.

"See? Hindi amoy alak, kundi amoy alimuom. Parang panahon pa yata ng kastila ang bote na 'yan."

"Eh, saan nga galing?"

Nagkibit-balikat ako saka ihinagis ang misteryosong bote sa kama. Hindi ko rin alam kung saan galing ang bote na 'yon at pa'no napunta sa akin. Tulog pa rin ang braincells ko para isipin.

"Tara na sa labas, Mamita," yaya ko sa kanya. "Lalagyan ko pa ng yelo itong bukol ko."

Umismid si Mamita. "Buti nga sa'yo!"

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now