15

165 4 1
                                    

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at sinubukang maghanap ng kahit isang magandang anggulo sa pagmumukha ko. Itinaas ko ang bangs ko, tinapalan ang mga nunal ko, at ngumiti ako nang sagad sa gilagid. Napasimangot ako nang ma-realize ko na mukha pala akong bampira sa matutulis at sungki-sungki kong ngipin. From that day forward, ipinangako ko sa sariling kong hinding-hindi na ko ngingiti kahit kailan. Lumabas ako ng banyo at kamuntik ng madulas nang makita ko si Gin na nakaupo sa dulo ng bed. Nakapikit siya, naka-lotus position, at nakabilog ang hinlalaki at hintuturong daliri na parang nag-me-meditate. Buti pa ang hinayupak, nakakapag-meditate. Palibhasa ay guwapo! Wait, sinabi ko bang guwapo si Gin?

Nilapitan ko siya at lumuhod sa harap niya. Nagtapat ang mga mukha namin at nagkaroon ako ng pagkakatong pagmasdan ang kanyang mukha. Hay, sa malapitan ay mukha talaga siyang normal na tao. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng hulma ng mga mata.

Inilapit ko ang ilong ko sa kanyang mukha. Pumikit ako at suminghot-singhot. In fairness, mabango, ha. Nakakapagtaka kung bakit mabango siya gayong hindi naman siya naliligo at nagpapalit ng damit. On the other hand, hindi naman niya kailangang maligo at magpalit ng damit. Genie nga pala siya. Hay, palagi ko na lamang nakakalimutan.

Masiyado akong naaliw sa pag-amoy sa kanya. Nang magmulat ako ng paningin ay nakita kong dilat na pala ang kanyang mga mata. Natulala ako at literal na napigil ko ang hininga ko. Naramdaman ko rin ang biglang pag-init ng dalawang pisngi ko. Shet, anong gagawin ko?

"Lapastangan." Pinitik niya ang noo ko at napakurap-kurap ako. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Napaatras ako at natumba. Nabaltog tuloy ang ulo ko sa sahig. Patay, siguradong magkakabukol ako nito. Ang pangit ko na nga, may bukol pa ko. Good Lord, why?

"Hoy." Tumindig si Gin at humalukipkip sa harap ko. Napansin kong nagniningning na naman ang asul iyang buhok sa ilalim ng liwanag ng ilaw. "Tumayo ka riyan at magpaliwanag."

Napabuntong-hininga ako. Kakamot-kamot na bumangon ako. How I wish hindi ako nabukulan.

"Ang sama mo! Hindi mo man langa ko itinayo. Buwisit!" buwelta ko sa kanya. "Ano ba kasing ginagawa mo?"

"Hindi ko kailangang ipaliwanag sa'yo lahat ng ginagawa ko."

"Ang suplado naman nito!"

"Hindi ako suplado." Buwelta niya. "Bakit mo ako ako inaamoy?"

Natigilan ako. Namula na naman ako nang banggitin niya ang kagagahan ko. Para makatakas ay piningot ko ang kanyang tenga saka tumalon ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi ko kailangang ipaliwanag sa'yo lahat ng ginagawa ko." Panggagaya ko sa linya niya kanina. "Good night!"

"Hay, wala ka talagang alam." Napapailing na sabi niya habang hinihilot-hilot ang kanyang tengang piningot ko. "Hindi natutulog ang genie."

Kumunot ang noo ko. Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko at bumangon ako. Taas-kilay na pinagmasdan ko siya.

"At bakit hindi natutulog ang genie, aber?"

"Dahil kailangan nilang bantayan ang kanilang master." Direkta niyang tinitigan ang mga mata ko. "Binabantayan kita gabi-gabi, Ella."

Buong-buhay ko ay pangit ang tingin ko sa sarili ko. Pero nang gabing iyon, I felt different. I felt beautiful. I felt special. Walang salitang bumalik ako sa pagkakahiga. Nagtalukbong ako ng kumot. Nang siguradong hindi na niya ako makikita ay saka ako ngumiti (kahit pa ipinangako ko sa sarili kong hindi na ko ngingiti kahit kailan).

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now