32

99 4 1
                                    

Naglalakbay ang isip ko habang naglalakad sa university compound. Natapos ang mga klase ko nang wala man lang akong kahit na anong naintindihan. Hindi mawala sa isip ko si Gin, pati na rin ang hula ni Mamita. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang hanapin ang babaeng sinasabi niya. Kung makikita ko lamang sana si Mang Gustin ay mas mapapabilis ang paghahanap ko sa kanya.

Nagtuloy ako sa library bago ako tuluyang umuwi nang araw na iyon. Sinubukan kong gamitin ang computer nila doon para hanapin si Mang Gustin. Nagbakasakali ako kahit na wala naman akong masiyadong alam tungkol sa kanya. Mang Gustin, the repairman, I typed pero masiyadong maraming search results. Sa kaka-browse ko ay nakatulugan ko ang paghahanap sa kanya. Nagising ako na madilim na at wala nang tao sa library. Nang subukan kong pumunta sa reception ay hindi ko na rin nakita mula roon ang librarian. Kinutuban ako nang hindi maganda at dali-dali akong nagpunta sa entrance. Nakasara na iyon.

"Hay, nako naman!" Natapik ko ang sariling noo sa labis na pagkadismaya. "Napakaswerte ko naman talaga, o!"

Dinukot ko ang cell phone mula sa aking bag. Tatawagan ko sana si Mamita para ipaalam na napagsarhan ako at nakulong sa loob ng library. Lalo akong nadismaya nang makita kong walang signal.

"Napakasuwerte!" sigaw ko. Ibinalik ko na ang cell phone sa loob ng aking bag at sinubukang sumilip sa labas. "Hello? May tao po ba diyan? Nakulong po ako rito sa loob!"

Walang sumagot. Parang walang kinabukasan na nagpadausdos ako sa pinto at sumalampak sa may sahig ng library. Mukhang doon yata ako magpapalipas ng gabi.

"Hello?" mayamaya ay wika ng isang pamilyar na tinig. "May tao ba diyan?"

Napamulagat ako. Bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Dali-dali akong tumindig mula sa sahig at sumilip sa maliit na espasyo sa gitna ng pinto. May nakita akong tao, pero hindi ko makita ang mukha.

"Tulong!" sigaw ko. "Nakulong ako dito sa loob!"

"Wait. Kalma ka lang, ha? Tatawag ako lang ako ng tulong."

Narinig ko ang mabibigat na hakbang ng tao sa labas na tila nagmamadali. Napabuntong-hininga ako. Lihim kong nahiling na sana nga ay bumalik siya. Halos limang minuto na akong naghihintay nang muli akong makarinig ng mga yabag.

"Saan?" wika ng isang tinig. "Dito ba?"

"Opo, diyan ko po narinig ang boses," tugon naman ng kausap ko kanina. "Mukhang napagsarhan po ng librarian eh."

Nakarinig ako ng tunog ng susi. Then the door shook. Ilang sandali pa at dahan-dahang bumukas iyon. Bumungad sa akin ang mukha ng guard at sa kanyang tabi ay si Paul. Natigilan ako. Si Paul ang kausap ko kanina? Hindi ako makapaniwala. Si Paul ang tumulong sa akin!

"Ella?" nagulat na bulalas niya nang makita ako. "I-ikaw pala 'yan."

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Napakamot ng ulo ang guard sa tabi niya.

"Hay, ano bang ginagawa mo at napagsarhan ka?" sabi ng guard. "Hanggang 6 PM lang lagi ang library. Tandaan mo na. Para hindi ka na uli mapagsarhan."

"Opo," nahihiya namang tugon ko. "Pasensiya na po."

Isinukbit ko ang aking bag at lumabas na ng tuluyan. Gusto ko sanang magpasalamat kay Paul kaso nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari sa Cafeteria. Nakayukong nilampasan ko siya. Hindi ko akalaing susundan niya ako.

"Ella," tawag niya. "Sandali lang."

Napahinto ako sa paghakbang. "A-ano 'yun?"

"Um," napakamot siya sa kanyang batok. "Can I walk with you?"

"H-ha?" Napalunok ako. "Sigurado kang gusto mong sumabay sa akin?"

Tumango siya.

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon