46

296 15 9
                                    

"ARE you OK?" tanong sa akin ni Paul nang ihatid niya ako sa aking upuan. "Kanina ka pa hindi nagsasalita?"

Isang matipid na ngiti lamang ang nagawa kong ipagkaloob kay Paul. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. I was so damn worried about Gin.

"Um," napalunok ako. "OK lang ba kung hanapin ko lang muna sandali si Gin?"

Hindi nagsalita si Paul. I did not notice the sudden jealousy that appeared in his eyes. Nagpalinga-linga ako sa pag-asang makikita ko si Gin.

"Hindi kasi sanay sa mga ganitong pagtitipon 'yun eh." I continued. "Sandali lang, ha."

Magsasalita pa sana si Paul ngunit nakatayo na ako sa aking upuan. Napabuga na lamang siya ng hangin habang pinagmamasdan akong lumakad palayo. Nagpaikot-ikot ako sa gymnasium sa paghahanap kay Gin. Natagpuan ko siya sa may tabi ng cocktail drinks kasa-kasama pa rin si Mika. Kinutuban ako nang hindi maganda nang makita kong nakalupaypay si Gin sa kanyang balikat hawak ang isang baso.

"Gin!" sigaw ko saka nagtatakbo palapit sa kinaroroonan nila. "Anong ginawa mo?"

"Nothing," tugon naman ni Mika na nagkibit-balikat. "I just gave him some drinks. I didn't know hindi pala siya umiinom. Isang baso lang ay agad na siyang tinamaan."

Tiningnan ko nang masama si Mika. Hinablot ko si Gin mula sa kanyang balikat at maagap na inalalayan. Tinapik-tapik ko nang marahan ang isa niyang pisngi.

"Gin?" I called. "Gin, gising."

Gin did not stir. Sa halip ay umungol lamang siya. Wala siyang kapangyarihan nang mga sandaling iyon kaya naman agad siyang tinablan ng nakalalasing na inuming ibinigay sa kanya ni Mika.

"What?" bulalas ni Mika na halatang tipsy na rin. "Are you his girlfriend or some sort?"

"Kung ano man ang relasyon namin ni Gin ay wala ka nang pakialam roon," inis na sagot ko kay Mika. "Excuse me!"

Nilampasan ko na si Mika at sa abot ng aking makakaya ay pilit na inalalayan si Gin patungo sa exit. Subalit nakakailang hakbang pa lamang ako ay agad na akong hinarang ni Maggie. She stared at me as if I'm some kind of a traitor.

"Well, well, well," saad niya na pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Kita mo nga naman, o. Nagkahitsura ka lang ay naging malandi ka na. Kung hindi si Paul ay itong kutong-lupa na ito ang kinakalantari mo."

"Hindi kutong-lupa si Gin, Maggie. At lalong hindi ako pakawalang babae. Paraanin mo na lang kami, puwede ba!"

Sinubukan kong lampasan siya ngunit hinila niya ang isang braso ko. Nabitiwan ko si Gin at natumba siya sa may sahig. Lalapitan ko sana siya ngunit tinulak-tulak ako ni Maggie patungo sa center stage.

"Ano ba, Maggie! Ano ba sa tingin mong ginagawa mo! Tigilan mo na nga ako!" I tried to fight back but I failed. "Tigilan mo na sabi ako eh!"

"Too late, bitch," nakangising saad ni Maggie. "Enjoy your prize!"

Pagtapat ko sa gitna ay may bumuhos na isang timbang latex paint mula sa taas. Nagdire-diretso ang pintura patungo sa akin. Mabilis ang mga pangyayari at sa isang kurap ko ay balot na ako at ang suot kong dress ng isang kulay puting pintura.

MALALAKAS ang halakhak ang sunod na umalingawngaw sa aking tenga. All the students are staring at me in both amusement and disgust. Halos mamanhid ang buo kong katawan.

I saw Maggie on one side smiling viciously. Nakita ko rin si Paul na halos manigas sa sobrang pagkagulat sa mga nangyari. While tears brimmed at the corner of my eyes, Gin emerged from one corner. Parang biglang nawala sa sistema niya ang alkohol nang makita ako sa center stage na pinagtatawanan at balot ng pintura. He quickly ran towards me.

"Ella," saad niya na pinahiran ang pintura sa aking mukha. "Ella, OK ka lang?"

Hindi ako makapagsalita. Tears are already falling down on my cheeks. Hinawakan ko ang kamay ni Gin at pinisil ang kanyang palad.

"U-umalis na tayo sa lugar na ito," pagsusumamo ko. "Please, Gin."

Tumango si Gin. Hindi na siya nag-atubili pa at dire-diretsong hinila ang isang kamay ko palayo sa lugar na iyon. Laughters followed, but he doesn't seem to give a damn. Nagtuloy kami sa isang rest room kung saan binigyan niya ako ng oras para makapaglinis.

"Ella?" she called out from the cubicle. "Are you alright?"

Hindi ako makasagot. Sinusubukan kong pigilan ang aking mga hikbi nang sa gayon ay hindi niya marinig ang mga iyak ko. Nang malinis ko na ang sarili ko ay namumula ang mata na lumabas na ako mula sa cubicle.

"Hey," nag-aalalang salubong sa akin ni Gin. Nagbuntong-hininga siya at tinanggal ang suot niyang coat para isuot sa akin. "Halika na, umuwi na tayo."

Nagpa-akay lang ako kay Gin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng university compound. We rode a taxi. Panay ang sulyap niya sa akin at tanong kung OK lang ba ako ngunit hindi ako makapagsalita.

"Basta huwag mo akong iiwan," tanging nasabi ko sa kanya. "Dito ka lang, OK?"

MAMITA was devastated when she saw me full of paint. Hindi na siya nagtanong at sa halip ay agad akong sinalubong ng yakap. I cried in her shoulders for a good five minutes then she removed the tears from my cheeks using her hands. Inakay niya ako sa loob at ipinagtimpla ng mainit na chocolate milk. Doon ko na sinabi sa kanya ang mga nangyari. Wala akong anumang narinig sa kanya maski hate words towards Maggie. Sa halip ay niyakap lang uli niya ako.

"Sige na," saad niya. "Magpalit ka na ng damit at magpahinga ka na."

I showered and change into a comfy clothes then went quietly into my bedroom. Pinatay ko ang lahat ng ilaw at tahimik na umiyak sa aking unan. Gin was beside me, staring at me with so much care and understanding.

"Do you want me to do anything?" he whispered. "Sabihin mo lang and I would make Maggie pay for what she did to you."

I turned to Gin when I heard that. Malungkot na ngumiti ako sa kanya saka ko tinapik ang space sa aking kama. Mabilis naman niyang naunawaan ang gusto kong mangyari. Nang maupo na siya sa aking tabi ay bumangon ako at humilig sa kanyang balikat.

"Sorry, ha?" sinserong saad niya. "Kasalanan ko kung bakit nakapuslit ang Maggie na 'yun. I was drunk. Kung hindi siguro ako nalasing ay naprotektahan kita laban sa kanya."

"'Sus. Ano ka ba. Wala kang kasalanan." I told him. "Hindi naman kasi talaga dapat sinama sa graduation ball. I didn't know that there would be booze. In some way, hindi rin kita naprotektahan."

We both fell silent for a minute or two. Nagbuga ng hangin si Gin. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita kong namumula na siya sa galit.

"That's it!" Tumindig siya mula sa tabi ko. "Pupuntahan ko ang Maggie na 'yun at bibigyan ko siya ng leksyon!"

Bigla akong naalarma. Nang akmang aalis si Gin ay hinila ko ang isa niyang kamay. Nagsusumamo na sinalubong ko ang kanyang mga mata.

"Huwag, Gin. Hindi ka dapat nakakaramdam ng ganito. Ayokong maging masama ka dahil sa akin." Saad ko. "Please, huwag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo."

"Pero sinaktan at ipinahiya ka niya, Ella. You cannot expect me to just sit here and watch you cry. Kailangan mabigyan ko ng karampatang parusa ang babaeng iyon."

Umiling ako. Sa ikalawang pagkakaon ay muli kong tinapik ang espasyo sa tabi ko. Nagbuga ng hangin si Gin at nang hindi makatiis ay muling naupo doon.

"Hindi ka niya titigilan," said Gin. "We have to do something."

"I know," pagsang-ayon ko. "Pero hindi sa masamang paraan, Gin. Hindi dahil sinaktan at ipinahiya ako ni Maggie ay gagawin ko rin sa kanya ang bagay na iyon. She need something else."

Kumunot ang noo ni Gin. Nagtatanong ang mata na pinagmasdan niya ako. I smiled at him.

"Mukhang alam ko na ang magiging pangatlong wish ko, Gin," sabi ko sa kanya. "Kailangan nating gawing mabuting tao si Maggie."

OPPOSITE WISHESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن