16

148 4 1
                                    

"Nasaan na kaya 'yun?" Hinihingal na tanong ko sa aking sarili. Halos isang oras ko nang hinahanap ang shop ng repairman na pinag-iwanan namin ng bote. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon makita. "Naalala mo, hindi ba dito lang 'yun?"

Hindi agad sumagot si Gin. Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid. Habang ginagawa niya iyon ay napansin kong nagliliwanag ang kanyang mga mata.

"Hindi maganda ang kutob ko," sabi niya. "Magtanong ka kaya doon sa tindahan ng damit?"

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Nagtungo ako sa ukayan 'di kalayuan mula sa kinatatayuan namin. May naabutan ako doon na isang tinderang naka-rollers ang buhok.

"Um. Magandang araw po. Hinahanap ko po kasi 'yung shop dito." Napakamot ako sa ulo. "Alam n'yo po ba kung nasaan?"

"Anong shop?" anito. "Wala namang ibang shop dito."

"Meron po. 'Yung shop ng mga lumang gamit. Dito lang po 'yun sa banda rito eh." Natigilan ako sandali nang may kung anong maalala. "Actually, parang dito nga po mismo 'yun nakatayo sa Ukayan ninyo."

"Ay, oo! 'Yung antique shop ni Mang Gustin. Dito nga 'yun dati nakatayo!" Napapalakpak pa ito. "Pero matagal nang naibenta sa amin ito ni Mang Gunting itong puwesto."

Nakurap-kurapa ko. Biglang binundol nang matinding kaba ang dibdib ko. Sinulyapan ko si Gin sa gilid at halatang nagulat rin siya sa narinig.

"H-ho? A-ano pong sinasabi ninyong ibinenta na niya sa inyo itong puwesto? Noong isang linggo lang po ay nagpunta kami rito at iniwan namin sa kanya ang bote."

"Kami?" Kumunot ang noo nito at nagpalinga-linga. "May kasama ka ba?"

Siniko ako ni Gin. Napa-aray ako nang mahina. Kung minsan talaga ay masiyadong matabil itong dila ko.

"Ate!" Pumalakpak ako sa kanyang harapan. "Ang tanong ko po muna ang sagutin ninyo! Nasaan si Mang Gustin? Saan niya dinala ang bote namin, este, bote ko!"

"Ah, eh, hindi ko alam kung saan siya lumipat eh. Huling nakita ko siya ay dalawang araw nang nakakalipas. 'Yun 'yung araw na lumipat ako rito sa puwesto at naghakot naman siya."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa aking narinig. Hindi, hindi ito nangyayari. 'Yung repairman itinakas 'yung bote ni Gin. Paano na ngayon? Ano nang mangyayari sa akin? Paano na 'yung wishes ko? Paano na ko gaganda?

"Um, miss, OK ka lang ba?" Pumitik-pitik siya sa tapat ng mukha ko. "Pasensiya ka na, hindi ko masasagot ang mga tanong mo tungkol kay Mang Gustin. Hindi ko kasi siya nakausap noong huling nagkita kami eh. Wala akong alam kung saan na siya lumipat ng puwesto.

"Eh contact number mo?" Naiiyak kong tanong sa kanya. "May contact number po kayo ni Mang Gustin?"

"Walang cell phone si Mang Gustin, miss. Alam mo naman 'yung matanda na 'yun, retro. Kaya nga antique ang tinda 'di ba?"

Hindi ko na napigilan. Nasabunutan ko ang sarili ko. Sinulyapan ko si Gin na nakatayo lang sa tabi ko.

"Anong gagawin natin ngayon, Gin?" tanong ko sa kanya. "Paano natin mababawi ang bote?"

Nagtatakang napatitig sa akin ang tindera. Napailing-iling ito pagkatapos. Ang akala yata ay nababaliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Miss, kulang lang sa tulog 'yan." Sabi niya sa akin. "Ang mabuti pa ay umuwi ka na at itulog mo na 'yan."

Nagbuntong-hininga ako. Nagpasalamat ako sa kanya at parang walang kinabukasan na naglakad palayo sa Ukayan nito. Tahimik naman na sinundan ako ni Gin.

"This is the end of me." Muryot ko. "Hindi na ko gaganda at mananatili na kong pangit forever and forever and forever!"

"Hay, 'wag ka na ngang mag-drama diyan." aniya. "Hayaan mo, susubukan kong hanapin si Mang Gustin gamit ang information scan."

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon