24

130 3 1
                                    

"Magandang araw ho," pukaw ng isang middle-aged na lalaking mataas ang hairline. "Ito po ba ang bahay ni Madame Ruby?"

Natigilan ako sa paghuhugas ng plato. Napatitig ako sa lalaking nakatayo sa may bukana ng pintuan. Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong kinabahan. Hindi ko naiwasang itanong sa sarili ko kung siya na kaya ang taong bubuo ng pagkatao ko.

"Berat!" sikmat ni Mamita na bigla akong binatukan. Hindi ko namalayan na nakatayo pala siya sa may likuran ko. "Hindi 'yan ang tatay mo."

Nakanguso na napakamot ako sa aking batok. Grabe, ang galing talagang magbasa ni Mamita ng isip. Pinagmasdan ko siya habang kinakausap niya ang naturang lalaki.

"Gin," pasimple kong tawag kay Gin. Nagpalinga-linga ako at nang bigla na lang siyang sumulpot ay kamuntik ko pang mabitiwan ang hawak kong plato. "Langya ka naman, o."

"Bakit?" balewalang tanong niya. "Anong kailangan mo?"

"Sino sa tingin mo ang lalaking iyon?" inginuso ko ang lalaki na nakatayo pa rin sa bukana ng pinto. "Customer ba siya?"

Hindi na kinailangan pang sagutin ni Gin ang tanong ko. Nang makita ko si Mamita na sinuot ang kanyang bandanna ay nasigurado kong customer nga ang lalaki. Kitang-kita ko kung paano nagningning ang mga mata ni Mamita habang inaakay niya ito patungo sa kinalalagyan ng bolang Kristal.

"Customer nga!" labas ang gilagid na bulalas ko. "Gin, tingnan mo, may customer si Mamita!"

Hindi ko mapigil ang kilig ko. Matagal-tagal na rin kasi noong huling magkaroon ng customer si Mamita. Alam n'yo na, sa panahon ngayon na laganap na ang internet, iilan na lang ang naniniwala sa hula. Mabuti na nga lang at kahit madalang na ang customers ng Mamita ay may online business naman siya. Nagbebenta siya ng sabon na gawa sa pinaghalo-halong ugat ng mga bungang-kahoy. Nakapagpapaganda at nakapagpapabata. 'Yun nga lang walang epekto sa akin.

"Hoy," siniko ko si Gin. "Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila?"

"Singsing," balewalang tugon ni Gin. "Sinusubukan niyang ipahula sa Mamita mo kung saan niya naiwala ang wedding ring nila ng kanyang asawa."

Natigilan ako nang may kung anong maisip. Mula sa siwang sa kusina ay pinagmasdan ko si Mamita habang tirik-matang hinahaplos-haplos ang kanyang bolang Kristal. Kung may kakayahan siyang maghanap ng mga nawawalang bagay, baka matulungan niya kami ni Gin na hanapin si Mang Gustin at ang bote!

"Gin," pukaw ko kay Gin. "Naiisip mo ba kung anong naiisip ko?"

"I can read your mind," balewalang anunsyo niya. "I know everything that you're thinking."

Napanganga ako. Ha? Sinulyapan ko si Gin mula sa aking tabi ngunit naglaho na ito. Walang-hiyang 'yun! Totoo kayang nababasa niya kung anong tumatakbo sa isip ko?!

OPPOSITE WISHESDove le storie prendono vita. Scoprilo ora