9

185 6 1
                                    

Nang sumunod na umaga ay inakala kong panaginip lang ang lahat, pero nang makita kong nakahiga sa sahig ang genie ay nakahinga ako nang maluwag. Sinundot-sundot ko ang kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng paningin ay ngitian ko siya nang maluwang, 'yung labas ang gilagid.

"Genie, anong tatawag natin sa'yo?"

Bumangon siya. Kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Nang mga sandaling iyon, mukha siyang normal sa paningin ko.

"Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng pangalan."

Hindi ko siya pinansin.

"Gin." Saad ko matapos ang ilang sandali. "Gin nalang, shortcut for genie."

Hindi siya sumagot.

"Gin, kelan ako puwedeng mag-wish?" labas ang gilagid na sabi ko. "Excited na kasi ako, eh."

Hindi na nagawa pang sumagot ni Gin. Biglang bumukas ang pinto. Sumungaw ang ulo ni Mamita. Halos atakihin ako sa puso. Napatayo akong bigla.

"M-mamita, s-sandali, m-magpapaliwanag ako!" Hindi magkandatutong-saad ko. "I-it's not what you're thinking!"

"Gaga, anong pinagsasasabi mo riyan?" nakakunot-noong sikmat niya. "Bumaba ka na at kakain na tayo!"

Natulala ako. Ha? Bakit hindi nagalit si Mamita? Sinulyapan ko si Gin.

"Hindi niya ako nakikita," saad ni Gin. "Hindi niya rin ako naririnig kaya huwag kang mag-alala."

Amazing, naisip ko.

"Jusko, Ella! Nauntog ba ang ulo mo? Bakit ba parang nakikipag-usap ka riyan sa hangin?"

"H-hindi po!" agad kong tinanggal kay Gin ang tingin ko. "S-sige po, Mamita, mag-aayos lang ako ng higaan tapos bababa na rin ako."

Lumabas na si Mamita. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nang mabaling ang tingin ko sa higaan ko ay maayos na iyon. Ni walang gusot ang bedsheet.

"Ako nang bahala rito," sabi ni Gin na nakataas ang isang kamay. "Bumaba ka na at kumain."

OPPOSITE WISHESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon