39

87 4 1
                                    

[Petunia Dimayuga's POV]

Pinagmasdan ni Petunia ang monitor kung saan makikita ang dalawang bisita; isang babaeng hindi masiyadong kaaya-aya ang hitsura at isang binatang may asul na buhok. Hindi niya napigilan ang sariling hindi mapangiti. Hindi man niya kakilala ang mga bisita sa pangalan ay alam niya kung ano ang pakay ng mga ito. May kumatok sa kanyang opisina at ayon sa kanyang hudyat ay pumasok ang isang babaeng nakasuot ng leather jacket. It was Mathilda, her secretary and bodyguard.

"May mga bisita, Madame Petunia." Anunsyo nito. "Anong gusto mong gawin ko sa kanila?"

"Papasukin mo." Balewalang tugon niya. "Matagal ko na silang hinihintay."

Tumango si Mathilda bilang tugon. Yumuko muna ito sa harap niya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Nang makaalis si Mathilda ay binuksan niya ang kanyang drawer at hinugot mula roon ng isang bote. Inilapag niya ang bote sa kanyang mesa saka tinanggal ang nakataling tali sa welcome plant na nakalapag sa may bintana. Inilapag niya ang tali sa tabi ng bote at matamang pinagmasdan ang dalawa.

"I knew it would work," bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa bote at sa tali. "Sa wakas, my wish would finally come true!"

OPPOSITE WISHESWhere stories live. Discover now