Buhay at Kamatayan

1.7K 42 2
                                    

Tinulak mo ako pababa sa kailaliman,
At hinayaan ko ang sariling malunod.
Hindi mo alam ang pagnanais kong huminga,
Kasing sama ng katotohanang gusto kita.

Sabay sana nating tatapusin ang mapait na buhay,
Bago mo ako tinulak ay nangakong susunod;
Handa na akong mamatay para sa minamahal na tunay,
Ako'y tagahanga ng wagas na pagmamahal.

Nagtiwala ako,
Naghintay,
Nagtiis,
Dahil nangako ka-
Para lang maloko,
Mapaglaruan,
Mapabayaan,
At mapag-iwanan.

Hindi ka tumalon, pagkatapos-
Inakala kong nagbago ang iyong isip,
Akala ko hindi ka pa handang tayo'y malunod,
Kaya naghintay ako sa iyong pagsagip.

Pero mali ako.
Gusto mo palang mabuhay mag-isa,
Gusto mong mawala ako upang iyon ay matupad,
At ako, na tanga, ay nahulog sa iyong mga salita.

Kaya tinitigan kita-
Walang pag-asa,
Kapos sa hininga,
At labis ang dismaya.

Pinagmasdan ko ang iyong mukhang nakangiti habang ako'y nalulunod,
At iyon ang pinakamasakit na tanawing napanuod,
Nanghina ako, gusto na lamang malagutan,
Lahat ng pangarap ko'y isa palang kasinungalingan.

Sa asul, payapa pero mapanganib-
Nakahanda nang sumabog ang aking dibdib,
Habang nakatutok sa pagkataong nahulma mo-
Hindi inisip na ikaw pala ang magiging mitya ng aking dulo.

At natanto kong marunong pala akong lumangoy,
Pero huli na dahil kapos na ako sa hininga,
Ubos na rin ang aking lakas at pag-asang pinanghawakan,
Hindi na maitaas ang sarili dahil sa pangako ng buhay at kamatayan.



042
Buhay at Kamatayan
07/17/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang