Siya

4.1K 104 11
                                    

Para sa'yo subalit 'Siya' ang pamagat,
Siya na minsa'y binigyan mo ng atensyong sapat,
Noong mga panahong malabo ang salitang 'Tayo',
Siya ang nilapitan mo't sinuyo.

Habang binabasa ko ang naging usapan ninyo,
Hindi lubos maisip kung iyon ba ang taong minahal ko,
Tila kay tamis ng mga binitiwang salita,
Ala-ala sa kung saan tayo nagsimula.

Habang binabasa lunod sa luha,
Ang buong akala'y sa akin lamang mabibitawan ang mga kataga;
Akala ko iba ka sa kanila,
Ngunit ako pala ay isang malaking tanga.

Namumuhi sa'yo subalit nasusuklam sa sarili ko,
Mali ang pagkakakilala sa pagkatao mo,
Masyadong nalula sa magagandang bagay na iyong pinakita,
At hindi inisip na may wakas ang lahat ng saya.

Maayos man tayo subalit nakaukit na ang peklat-
Peklat ng iyong unang pagtataksil na ginawa.
Sa tuwing nakikita ko siya'y paulit-ulit nilalamon ng awa-
Awa sa sarili na ganoon lamang ipagpalit sa iba.

At sa tuwing tatanungin kita-
Ang isasagot mo ay biro lang 'yong ginawa;
Subalit mahal, hindi ko na mawari ang mali sa tama,
Lalo na ngayong nagkalamat na ang aking tiwala.



013
Siya
12/17/19
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon