Parang Kahapon Lang

6K 94 22
                                    

Ang gabing iyon ay parang kahapon lang-
Dahil sariwa pa sa ala-ala ang iyong paglisan.
Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan,
At sa maingay na paligid sa kasiyahan.

Kagaya ng mga gabing naging karaniwan,
Ang puyat sa 'ting pag-uusap na nakasanayan,
Ang paggising sa umaga na may ngiti sa labi,
Parang kailan lamang ang mga iyon nangyari.

Maya't-maya dumadalaw ang pakiramdam,
Napapangiti ng ilang saglit tapos natatauhan,
Napapalitan ng ngising alinlangan,
Paanong ang panandalian ay naging tahanan?

Hindi na sana sinabi na ako'y kakaiba,
Napigilan sana ang damdaming nag-uumpisa,
Hindi sana sumunod sa daang tinahak-
Nang hindi na bumabalik sa ating mga yapak.

Nang piliin mo siya at hindi ako,
At walang nagawa kung hindi manuod,
Kung paanong ako'y iniwan at siya'y nilapitan,
Kung paanong ang ngiting galing sa akin ay naagaw.

Pagkatapos, itinuring na hindi kakilala,
Na para bang hindi pinatawa-
Ilang segundo lamang ang nakaraan-
Nang may linyang agad na pumagitan.

Hindi kana malapitan-
Hindi dahil ako na'y tinalikuran,
Ito ay dahil nakalikha ako ng kulungan,
Para sa sarili nang hindi namamalayan.

Nang gabing iyon ako'y nanumpa-
Na gugustuhin ka subalit hindi na lalapitan pa,
Gugustuhin pa ng ilang saglit at lilimutin na,
Kagaya ng damdamin mong mabilis mag-iba.

Ngunit hindi ko batid ang ngayo'y ginagawa,
Ito marahil ay panghihinayang sa ating dalawa.
Madilim ang mga gabi nang pinili kong lumigaya,
Kaya siguro masaya ang lugar para sa mapait na ala-ala.



008
Parang Kahapon Lang
06/25/21
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now