Hindi Ko Na Alam

179 13 1
                                    

Hindi ko na batid ang damdamin sa iyo,
At hindi ko alam kung bakit may puwang sa puso ko,
Noong nakita kita, hindi na ito tumibok,
Ngunit sa 'di maipaliwanag na dahilan, kumirot.

Hindi ko na alam kung sino ako-
Kung ako paba ang taong minahal mo,
Hindi ko na kilala akong sarili ko-
Kung ako naba ang kinakatakutan ko.

Ayaw kong mawalan ng damdamin,
Ngunit ayaw ko ring makaramdam ng labis,
At kung ako ang papipiliin,
Mas nais ko pa ang magkubli.

Pinutol ko na ang mga rason upang bumalik,
At ginawa ang mga bagay na hindi mapapatawad ang sarili,
Hindi ko na mahanap ang paninindigan kung bakit pwede pa,
Hindi ko na mahanap dahil maging ako ay nawawala.



079
Hindi Ko na Alam
01/13/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now