Ang Ibigin Ka

4.3K 76 5
                                    

Ang ibigin ka ay parang tagu-taguan,
Ako ang taya at ikaw ang nagtatago,
Dalawang dekada ko nang iniikot ang mundo,
At kita na kita pero nagbulag-bulagan.

Ang ibigin ka ay parang habulan,
Kapos-hininga pero nais paring abutan,
Napakalayo mo pero tuloy ang takbo,
At kahit pagod na ay ayaw paring sumuko.

Ang ibigin ka ay patentero,
Maraming nakaabang sa pagkakamali,
Pinilit nating marating ang dulo,
Subalit isang araw ay biglang nahuli.

Ang pag-ibig natin ay sipa-lata,
Tumilapon dahil sa puwersa ng iba,
Ilang pangalan din ang binigkas nitong bibig,
At sa huli, sila parin ang nagwagi.

Ang pag-ibig natin ay parang laro,
Masaya kun'di nauwi sa pagtatalo;
Ang pag-ibig natin ay parang laro,
Mas mahal kita kaya ako ang talo.



016
Ang Ibigin Ka
07/10/21
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now