Dahil Mahal Ka

165 10 0
                                    

Noong una'y hindi makapaniwalang iyong magagawa-
Pagtataksil na siyang sumira sa aking tiwala;
Mga panibagong tanong na naman ang gumugulo sa isipan,
Pinipigilan akong magsulat nitong nakalipas na dalawang buwan.

May nakapagsabi sa akin na may kasama kang iba,
Noong mga panahong magulo ang sitwasyon sa ating dalawa-
Inasahan kong kailangan natin ay distansya,
Subalit ang kailangan mo pala ay iba?

Aminadong nakagawa ng ikasasakit mo,
Ngunit hindi inasahan ang biglaan mong pagbabago,
Inakalang may manunuyo sa paggising sa umaga,
Ngunit luha pala ang hindi magpapatulog sa akin ng maaga.

Lalo na noong nakumpirma ang hinala,
At mas pinili mong lumayo dahil ikaw ay maligaya,
Sa ilang araw na hindi pagkikita,
Inasahan ko pang babalik ka.

Poot at sakit ang namutawi,
Hindi matanggap-tanggap ang nangyari,
Ginawa kong pwede ang hindi maaari,
Subalit ako pala ang uuwing luhaan sa huli.

Galit sa sariling sinlambot ng bulak,
At hindi manlang magawang tumakas-
Tumakas sa sakit na nanunulak-
Hindi palayo subalit palapit sa mas ikakawasak.

Naiwang lugmok pero walang ginawa,
Hanggang isang araw natagpuang nagpapatangay muli,
Itinapon pati na ang sariling awa,
Bumalik ka at patawad ay hiningi,
At hindi madali,
Pero dahil mahal ka-
Pinagbigyang muli.



061
Dahil Mahal Ka
12/15/19
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now