Ang alam ko noon ay tanging saya,
Kaya noong umalis ka, halos mabalisa;
Iyon ang unang luha dahil sa pag-ibig,
At unang pangako na lumabas sa bibig.Sinabi kong maghihintay ako-
Habang hawak ang mga liham mo,
At ang mga masasaya nating ala-ala-
Na pinangakong hindi mawawala.Kung kailan pinagbuksan ang puso-
Ay siya namang umpisa ng paglayo,
Noong huling araw ay nagpaalam ka pa,
At hindi manlang ako nagpakita.Ang alam ko noon, nasaktan ako-
Pero umasa parin sa mga salita mo,
Araw-araw kumikirot pero kinimkim,
Hanggang sa nag-umpisang manimdim.Nabalitaan ko na may iba ka na,
‘Di nagtagal ay bumalik kasama siya,
Hindi matukoy ang dapat maramdaman,
Ilang taon na rin nang huli kang nasilayan.Ang dose anyos na ako ay tiyak na masasaktan,
Ngayon, hindi gaano dahil ito’y akin nang inasahan,
Marahil ay sabay kitang minahal at kinalimutan,
At ang tanging natira sa akin ay panghihinayang.055
Panghihinayang
06/26/20
Azclar
STAI LEGGENDO
Tutulo, Tutula, Titila
PoesiaWatty Awards 2019 Winner in Poetry Isang daang tula tungkol sa sakit, hirap, takot, galit, pighati, pagsubok, paalam, pagkalito, pangamba, kalungkutan, kabiguan, kasawian at alin mang kadiliman sa buhay o pag-ibig.