Likha

2K 38 2
                                    

Nariyan ka na naman sa isang sulok-
Na para bang may sariling mundo,
Hindi alintana ang mga bagay sa paligid,
Tinatanaw ang kawalan habang ngiti ay nakaukit.

Ano kaya ang iyong iniisip?
Mistula kang napariwarang anghel sa langit,
Nawawala ako sa gitna ng iyong mga talinghaga,
At sa malalalim na kapeng mga mata,
Nahahanap ko ang kislap ng mga tala.

Hindi ka nag-iisa, aking pakiwari;
Binubulong mo ang mga salitang magigiliw,
Humahagikhik sa pagkumpas ng iyong mga kamay,
At nililipad ng hangin ang iyong buhok.

Hindi kita malapitan at gawin ang makabubuti,
Ayaw kong ilayo sa'yo ang mga matatamis na ngiti,
Subalit hindi mo maiaalis ang inggit sa akin,
Hindi madinig ngunit matagal na kitang dalangin.

Bumalik kana sa akin;
Nasasabik na ako sa iyong yakap at halik,
Nahihibang na sa mga ala-ala ng kahapon,
Iniisip na ang lahat ng iyo ay minsang akin.

Pakinggan mo aking pagsusumamo,
Ayaw kong tuluyang maglaho sa iyong puso,
Ako ang tunay mong iniibig,
Hindi siya na likha lamang ng iyong isip.



039
Likha
02/22/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now