Hindi

180 12 0
                                    

Lumalalim ang kasiyahan,
Umiindayog ang mga katawan,
Makulay na ilaw ng kapaligiran,
At lasa ng alak sa lalamunan.

Sa mga araw na nagdaan,
Ay ito na ang nakagiliwan,
Magliwaliw sa kung saan,
At magpatangay sa nararamdaman.

Napaamin sa isang lalaki,
Sa damdamin at kung maaari-
Sa buhay niya'y maging bahagi,
At baka mahanap ang sarili.

Tinanggihan ng agaran,
Dahil hindi natipuhan,
Sa mismong kaarawan,
Nilunok ang kahihiyan.

Pinilit, baka sakali-
Madamang ika'y kaibig-ibig,
Pinilit ng paulit-ulit,
'Gusto mo ba ako?' 'Hindi'.

Minura ang respeto't paghanga,
Hindi iyon ang gustong madama,
Gusto mo siya, walang iba,
Ayaw niya, huwag aasa.

Napasabunot sa sarili,
Nagtalo ang puso't isip
Saan ka mas nagkamali?
Sa ngayon o sa dati?

Hindi ka naman dating ganito,
Hindi kailanman ganito ka totoo,
Marahil sa kalayaan ay naninibago,
Ngunit ano ba talaga ang iyong gusto?

Ang tanong niya'y tinanong sa sarili,
Ngunit kahit anong isip, 'di mawari,
Hindi man lang makaluha sa sakit,
'Gusto ko ba ito?' 'Hindi'.



085
Dli
01/19/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now