Mahal Kita

162 13 0
                                    

Noong minahal kita, hindi inisip-
Na darating ang araw ng pagdadalawang-isip,
Ang mahalaga ay masunod ka lamang-
At matupad ang pangako ng walang hanggan.

Pero habang tumatagal, humihigpit,
Para akong nakakadena, nakatali;
Ako'y nasasakal, pilit na pinipilit-
Na ang iyong ginagawa ay para sa ikabubuti.

Kaya pasensya na kung ako ay kakawala,
Hindi ako maaaring manatili sa gitna,
Sa haba ng panahon, ako'y tumibay,
At isang araw naputol ang bakal.

Mahal kita pero ito'y kalabisan,
At alam nating ang sobra ay masama,
Titiisin ko na lamang ang sakit ng paglisan,
Mahal kita pero hindi na-

Hindi na kita mahal.



065
Mahal Kita
07/05/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now