Napagod Ka

804 30 6
                                    

Akala ko'y walang hanggan ang iyong pasensya,
Naaalala pa ang sinabi mong "iintindihin kita",
Noong mga araw na maayos pa ang lahat,
Dahil ngayon, nauuwi sa mga sumbat.

Noon naman sinusuyo pa,
Noon pinaparamdam ang pagsinta,
Bakit ngayo'y nagbago na?
Ano'ng nangyari sa ating dalawa?

Bigla kang nag-iba;
Sa isang iglap, tumalikod at 'di na lumingon pa,
Nilimot ang matatamis na ala-ala,
Binura ang mga pangako sa isa't-isa.

Napagod ka na,
Ayaw mo na,
Tuluyan na bang mawawala?
Kasalanan ko ba?

Sa bawat away, wala nang maisumbat,
Sa bawat tanong, walang maisagot,
Malamig ang lahat ng pag-uusap-
Na wari'y nagdidilim na mga ulap.

Isang araw, hindi na nagparamdam,
Isang araw, ang pagsuyo'y inasam,
Isang araw, naghintay na bumalik ka,
Isang araw, napagod ka na pala.



043
Napagod Ka
06/24/19
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now