Manyika

156 10 2
                                    

Namulat ako sa mundong mapanghusga-
Mundong isang maling galaw ikakapahamak,
Lahat ng bigat, sa balikat kinakarga,
At dahil maraming nakaasa, ayaw na pumalpak.

Kung may isang bagay na nais makamit-
Para sa sarili, sa bahaging sakim-
Ito ay ang maunawaan-maintindihan,
Ito ay ang may mag-isip bago magsalita.

Dahil mas mapanganib ang lumalabas sa bibig,
Kumpara sa mga bagay na humahampas sa balat,
At mas makapangyarihan ang pag-ibig,
Sapagkat ito ang pangunahing panulak.

Nakita parin kita, sa kabila ng lahat-
Nakita kita at nagkaroon ako ng kakaibang lakas,
Umasa akong ikaw ang magiging simula-
Sa pag-iiba ng buhay kong nakalista.

At nag-umpisa akong lumihis-
Lumiko sa mga bagay na kanilang iginuhit,
Ang makaramdam ng araw-araw na pagbabago-
Sa programang paulit-ulit kong sinusunod.

Sa unang pagkakataon, hindi natakot;
Hindi ako nagdalawang-isip na magkamali-
Kung ikaw naman ang kapalit, hindi mapapagod;
Hindi ako magsasawang umulit muli.

Aaminin kong pabaya ang gano'ng pag-iisip,
Subalit ayaw ko nang mag-isip;
Kakaiba ka sa pinaniwalaan kong pag-ibig,
Pagkat hindi makasarili, mapilit, at ganid.

Ngunit hindi puro saya ang masusunod,
Dahil lahat ng bagay ay may katumbas;
Natanto ko ito nang ilayo ka nila sa akin,
At wala akong nagawa kun'di ang mapaluhod.

Ang makiusap na huwag kang sasaktan,
Ang magmakaawa na ikaw ay pakawalan,
Ang magdasal na sana'y maayos ang iyong kalagayan,
At higit sa lahat, ang muling umayon sa kanilang kagustuhan.

Sa ikalawang pagkakataon, ako'y namulat-
Namulat na walang pantay sa pag-ibig at digmaan,
Dahil kung mayroon, hindi ko papasanin pati na ang bigat ng iyong pagkawala,
Kung mayroon, hindi sana ako isang hamak na manyika.



063
Manyika
08/06/21
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora