Pagbawi

161 10 0
                                    

Isang araw kumatok sa aking pintuan,
Dala ay rosas at ngiting alinlangan,
Napatanong kung ang mga iyon ay para saan,
Iyon pala'y pagbawi sa nagawang kasalanan.

Sa mga nagdaang araw mahirap ang sitwasyon,
Pabalik-balik ang pagtatalo at mga tanong,
Minsan naisip ko kung kaya ko pa ba-
Kung sa kilos mo ay naroon ang pagdududa?

Pinangako mong babawi ka-
Noong panahong sinabi kong ayaw ko na-
Pangalawang pagkakataon ay hiningi,
Pinagbigyan kahit ikinadurog ang sanhi.

Sinabi mong ako lamang talaga,
At dahil sa pambabalewala ko kaya iyon nagawa,
Inisip ko kung bakit isa ka ring mahina,
Noong tumalikod ako, pumunta ka sa iba.

Inayos nalang sana ang problema,
Sa halip ay nagpahabaan tayo ng pasensya,
Talo ka na inasahan kong mas matatag,
Sa simpleng pagsubok ikaw ay natinag.

Tapos inasahan mong magiging madali,
Hindi ikaw ang nakaranas ng pagtataksil,
Inasahan mong babalik muli sa dati-
Ang dating turingan nang ganoon kadali?

Pero pasensya na dahil hindi na ako babalik,
Pasensya na at kaya ko nang mabuhay sa sakit.



068
Pagbawi
12/26/19
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now