Alak at Pag-ibig

720 31 4
                                    

Dinig mo na sa tono ng kanyang boses,
Inisip mo na rin nang maraming beses,
Nakinita mo nang masasaktan ka-
Ilang taon bago kayo nag-umpisa.

Ang pag-ibig ninyo ay isang matamis na alak,
Wala nang ibang kinagiliwan dahil sa sarap,
Kapuwa kayong lunod sa nararamdaman,
At minabuting malasing kaysa magising.

Binubuhay kayo sa bawat araw na dumadaan,
Pinapasaya sa sensasyong nanunuot sa tiyan,
Ang pag-ibig na ito ay pangako ng walang hanggan,
At lubos na banal na kayang lumimot sa kasukdulan.

Ngunit kagaya ng karaniwan, mapagkunwari,
Sa bawat lagok, nilalason kayo ng paunti-unti,
At dahil masyado nang masarap, ‘di mapigil,
‘Di nagtagal ay nakaramdam ng panggigigil.

Pagkatapos ay nanghina, nagsawa,
Gusto nang tumigil pero huli na;
Kahit saang anggulo, talo ka,
At ang mas masaklap, alam mo na.

Bago ka tumikim, nalasahan mo na ang pait;
Bago ka nakarami, nilaklak na ang pamamaliit;
Bago nasarapan, nalasap na ang pinakamasakit;
At higit sa lahat-
Bago ka nawalan ng bait, pinilit maging mabait.

Kahit dinig mo na ay nagdalawang-isip pa,
Kahit inisip ng paulit-ulit ay nanaginip pa,
At kahit malinaw ay mas pinili mong mahilo,
Dahil sa haba ng panahon, siya parin ang nais na dulo.



050
Alak at Pag-ibig
06/28/21
Azclar

Tutulo, Tutula, Titilaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن