Ang Pagtingin na Hindi Nakikita

2.6K 49 3
                                    

Kapag malapit ka, nag-iinit ang aking mukha,
Kapag ngumingiti ka, nabubuo ang aking araw,
Narito ako, umaasang mapansin mo,
Hindi ako malayo, pero ba't hindi mo marinig ang tibok nitong puso?

Nag-iisa ka, bibigyan kita ng sayaw,
Nalulungkot ka, dadalhin kita sa magandang lugar,
Iniwan ka niya, narito ako't naghihintay,
Hindi mo ba matatanggap itong aking alay?

Hindi ako sabay sa mga uso,
Gusto ko sa mga libro,
Ayaw ko sa mga magagara,
Simple lamang ako,
Ayaw ko sa mamahalin pero mapagmahal ako,
Hindi pa ba sapat ang katapatan ko?

Kagaya ng buhok ko ang buhay ko,
Wala akong magandang katawan na maipagmamalaki sa'yo,
Hindi rin ako maganda o may itsura,
Ganon ba ako kapangit kaya hindi mo ako nakikita?

Ngumiti ako noong masaya ka,
At umiyak noong malungkot ka,
Para sa'yo kaya kong maging tanga,
Pero bakit hindi mo makita ang aking halaga?

Nasaan ang puso mo?
Sabihin mo at susuyurin ko ito sa buong mundo,
Pero siguro hindi iyon ginawa para makita ko,
Dahil lilipas lamang ako sa buhay mo.



029
Ang Pagtingin na Hindi Nakikita
07/17/21
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now