Liham

3.5K 56 0
                                    

Kumusta ka na, mahal ko?
Maayos ba ang kalagayan mo?
Ang oras ay tila makupad,
At rumarahas ang alon ng dagat.

Marahil ay nanginginig kana sa amihang hangin,
Samantalang ako'y namumulot pa ng mga tuyong dahon;
At tila hindi nadidinig ang aking mga dalangin-
Na kahit anino mo'y masilayan sa likod ng apoy.

Dasal kong bago matupok itong damdamin,
Ay mapatungan agad ng tuyong panggatong,
Dahil nais kong magliyab para sa iyo,
Subalit hindi sa akin nakasalalay ang pananatili nito.

At gusto kong hindi maging abo-
Ang mga nakaraang liham na ipinasuyo;
Gusto kong sa iyong ala-ala ay manatili,
Kahit hindi na sa iyong tabi, palagi.

Marahil ay hanggang dito na lamang-
Ang pagtatanong tungkol sa iyong kalagayan,
At marahil ay dito na nagtatapos-
Ang mga liham na walang tugon.



025
Liham
02/22/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now