Hindi Sana

8.4K 157 59
                                    

Naaalala mo pa?
Noong araw na tayo ay nagkakilala?
Mahal, nakakamangha ang kagandahan mong dala.

Sa bawat pag indayog ng iyong katawan sa tuwing sumasayaw ka,
Sa bawat halakhak mong parang napakagandang musika,
Iyong pakiramdam na wala nang dapat ipangamba-
Dahil natagpuan ko na-
Ang taong magiging dahilan ng aking pagtawa.

Tanda mo pa?
Noong tayo'y nangako sa isa't-isa?
Sa ilalim ng buwan at mga tala-
Iyong sinabi mong tayo ang guguhit ng ating tadhana?

Hindi mo alam nakaguhit ka na sa isip at puso ko,
Simula palang noong araw na ikaw ang naging kasagutan sa mga tanong ko,
Binigyan mo ng kulay itong madilim na mundo,
At sa bawat segundo ng buhay ko-
Ikaw ang tanging nagpapatakbo.

Mahal na kita hindi paman tayo nagkakilala,
Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit gumigising pa sa umaga,
Ikaw ang dahilan sa pagkawala ng aking mga mata dahil sa saya,
At sa bawat halakhak at buntong hininga.

Hindi na humiling-
Dahil alam kong buo na ako sa 'yong piling.

Subalit mahal, naaalala mo ba?
Noong araw na hinulma mo sa akin ang pagtataka?
Noong araw-
Araw na lumisan ka-
Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan,
Sumasabay sa luha kong hindi mapigil-pigilan?

Naaalala mo ba noong hinawakan kita kahit alam kong wala na akong magagawa?
Ang pasusumamo ko baka sakaling manatili ka?
Naalala mo ba kung paano nabasag ang boses mo dahil sa pagbitaw ng mabibigat na salita?
At ang pagtalikod mo-
Na alam kong magiging katapusan sa mga nalalabing araw ng aking saya?

Tanda mo pa ba?
Kung paano umulan ng malakas?
Kasabay sa pagtulo ng luha kong pinipilit makatakas?
Kung paano ka tumakbo ng mabilis palayo sa akin?
Kasabay sa pagpintig ng puso kong pinipilit tanggapin-
Na hindi kana masaya sa aking piling?

Dahil ako, naaalala ko pa;
Tandang-tanda ko pa-
Kung paano ko kinamuhian ang mga tala,
Kung paano nabuong muli ang mga tanong na hindi na-
Hindi na masasagot pagka't wala ka na.

Tanda ko pa kung paano tumigil ang pagkilos ng orasan,
Kung paano nilukob ang aking mundo ng tila'y walang katapusang kadiliman;
Tanda ko pa kung paano nanginig ang mundo ko sa bawat paghakbang ng iyong mga paa,
Kung paano nayanig ang minsa'y pinanghawakan kong pag-asa.

Pinagsisihan ko ang mga araw na hindi ko nilubos habang kasama ka pa,
Ikaw ang dahilan kung bakit sa gabi'y hindi na maipikit ang mga mata-
Hindi na makatulog dahil sa walang katapusang pangamba,
Ngayo'y hinihintay kang gisingin ako dito sa bangungot na iyong dala.

Pinagsisihan ko kung bakit nagpakasaya akong lubusan,
Ngayo'y naiwan sa akin ang mga matang luhaan.
Dahil mahal, ang halakhak ay naging mumunting pagtatangis,
At ang mga buntong-hininga'y bumigat ng labis-labis.

Kung alam ko lang na ikaw rin pala ay lilisan,
Hindi na sana nagpabulag sa iyong kagandahan,
Hindi na sana sumabay sa bawat pag-indayog ng iyong katawan,
Hindi sana nakinig sa tamis ng boses mong may taglay palang palaisipan...

Mahal, hindi sana ako nasasaktan.



006
Hindi Sana
12/21/18
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα