Ang Ika'y Pakawalan

155 11 0
                                    

Umaalon ang paningin ko-
Habang binabaybay ang daan,
Kumikinang ang mga ilaw,
Isang gabi sa plaza.

Payapa ang paligid,
Kaya nagpasya akong tumigil,
Umupo sa may gilid,
Habang ikaw ang iniisip.

Nalilito sa sarili,
Dahil may nakapagsabi-
Na dapat tanungin kita sa iyong damdamin,
At baka sa akin, ika'y may pagtingin.

Ilang minuto pang natulala,
Bago ako nakapagpasya,
Tila hindi nadalala-
Sa iyong pagtangging dalawang beses na.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak,
O sa lumulutang na isipin sa aking utak,
Tinanong na naman kita,
Kung ako'y iyo nabang sinisinta.

At ang sagot mo'y hindi-
At humanap nalang ako ng iba,
Dahil iyon ang iyong damdamin,
Damdaming hindi nag-iiba.

Hindi ko mawari,
Kung bakit sinasabi mong hindi,
Siguro may napagdaanan kang matindi,
O sadyang hindi lang ako kaibig-ibig?

Hindi ko na alam-
Kung ano ang panghahawakan,
Kaya mas pinili ko nalang-
Ang ika'y pakawalan.



094
Ang Ika'y Pakawalan
03/22/23
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now