Paano na Ito?

4.1K 49 0
                                    

Hindi na sana sinabing ako'y kakaiba,
Kung ituturing lamang na kagaya nila.
Hindi na sana pumunta sa tagpuan,
Dahil oras lamang ay nasayang.

Hindi na sana tumitig sa isa't-isa,
Gamit ang kumikinang na mga mata,
Kung labis ang liwanag na dala,
At papanuorin lamang itong mawala.

Hindi sana sinabing gusto kita,
Sa ilalim ng buwan at mga tala,
At umasang mayroong pag-asa,
Kung lahat pala ay maling akala.

Dahil ngayon nasabi na't natapos-
Pero nanatili ka sa puso ko;
Ang tanong ay paano na ito?
Paano na tatayo ng hindi buo?

Kasi para akong malalagutan ng hininga,
Sa bawat segundong naiisip kita,
Pero bakit ako'y nabubuhay pa,
Sa ating nakaraan na tapos na?

Hindi ko lubos maisip ang lahat,
Kung paanong nawala ka sa isang iglap,
Kahit subukan ay 'di ka na maibabalik pa-
Dahil hiram lamang yaring mga ala-ala.

Ginawa mo ang lahat ng aking nais,
At sinabi ang nais kong marinig,
Doon palang, ako'y kumawala-
Sa aking takot at pangamba.

Isang beses pa't pinagmasdan-
Ang paglubog ng araw sa ating tagpuan,
Binigkas ko noon ang tatlong salita,
At sunod na nangyari ay nawala ka.

Ngayon, tapos na ang lahat-
Pero 'di matanggal, ating bakas;
Kaya paano na ito?
Paano aayusin ang pinsalang dulot mo?



032
Paano na Ito?
07/11/20
Azclar

Tutulo, Tutula, TitilaWhere stories live. Discover now